Nakababatang kapatid ng hepe ng PNP, itinalaga bilang bagong Wescom commander
- Published on January 20, 2022
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Fleet commander, Rear Admiral Alberto Carlos, bilang bagong commander ng Western Command (Wescom) Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Palawan.
Si Carlos ay nakababatang kapatid ni Philippine National Police (PNP) chief, General Dionardo Carlos.
Sa isang text message, kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakatalaga kay Carlos sa nasabing posisyon.
Tinintahan ng Pangulo ang apppointment paper ni Carlos, araw ng Lunes.
Papalitan ni Carlos si Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez na nakatakdang magretiro sa Enero 24.
Sa kabilang dako, si Carlos ay nagsilbi bilang AFP Deputy Chief of Staff for Logistics.
Siya rin ay naging pinuno ng Naval Combat Engineering Brigade.
Kabilang si Carlos sa United States (US) Naval Academy Class of 1989.
-
5 kulong sa P115K shabu sa Valenzuela
Timbog ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Eduardo Angeles, alyas “Mayong”, 51, Mary Ann […]
-
Utol ni Percy Lapid kumbinsidong hindi ‘fall guy’ si Escorial
KUMBINSIDO si Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid na hindi fall guy si Joel Escorial at ito mismo ang bumaril at nakapatay sa kanyang kapatid noong Oktubre 3 sa Las Piñas. Sa kanyang pagsama sa ginawang walk through sa crime scene ng pulisya, sinabi ni Mabasa na nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap […]
-
COMMUNITY QUARANTINE IPATUTUPAD SA BUONG METRO MANILA
INIANUNSYO kagabi , Marso 12 ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinaas na sa Code Red Sub-Level 2 ang Code Alert System sa buong bansa kaugnay sa COVID-19. Sa kanyang public address matapos ang Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malacañang, inaprubahan at binasa ng Pangulo ang reso-lusyon na community quarantine […]