• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAKAPAG-GENERATE ng $23.6 billion na investment pledges ang foreign visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon.

Tinukoy ang accomplishment report ng  Department of Trade and Industry (DTI), ang state visits ni Pangulong Marcos sa Indonesia at Singapore, ang kanyang  working visit sa  Estados Unidos at maging ang kanyang naging partisipasyon  sa ASEAN Summit sa Cambodia at  APEC sa Thailand “brought billions of pesos in investments as the administration gears toward aggressively attracting more foreign businesses to come to the Philippines.”
Sa sidelines ng mga nasabing  foreign trips, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga business communities ng nabanggit na bansa para hikayatin ang mga  foreign investors.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo na may ilang  letters of intent at memorandums of understanding ang nilagdaan ng Pilipinas kasama ang  Indonesian at Singaporean investors para sa P804.78 bilyong halaga ng investments.
Winika pa ng Malakanyang na ang “working visit” ng Pangulo sa New York  noong  Setyembre ay nakapag-generate ng   $4 bilyong halaga ng  linvestments.
Inimbitahan din ng Pangulo ang  Cambodian business leaders, na nasa sektor ng  pagkain at agrikultura, mamuhunan sa Pilipinas.
Ang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong   Marcos at  business leaders ay nangyari sa   sidelines ng ASEAN Summit.
Samantala, nagpahayag naman ang Thai companiesir ing interest na palawigin ang kanilang presensiya sa Pilipinas ayon kay  Trade Secretary Alfredo Pascual sa sidelines ng APEC Summit.
Other News
  • Ads July 13, 2024

  • Pagbasura sa board exams? Philippine Nurses Association, pumalag

    Hindi sang-ayon ang Philippine Nurses Association (PNA) sa mungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibasura na ang pagbibigay ng licensure examinations.     Ayon sa PNA national president na si Melbert Reyes, agad ibinasura ng Board of Nursing ang nasabing proposal dahil kailangan na mapanatili ang competency ng mga health professionals sa bansa. […]

  • Kapalaran ng Pacquiao-Crawford bout malalaman ngayong linggo – Arum

    Malalaman umano ngayong linggo kung matutuloy ba o hindi ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Terence Crawford.     Ayon kay Top Rank Promotions CEO Bob Arum, mayroon daw investor na handang maglabas ng pera para sagutin ang napakamahal na site fee matuloy lamang ang nasabing megafight.     “Somebody is […]