Nakapagpahinga na ng ilang buwan: JOHN LLOYD, balik-sitcom na sa pagbubukas ng bagong taon
- Published on December 23, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY ang GMA Network sa pag-participate sa international market, after nilang nag-join sa MIP-COM in Cannes, France last October, GMA through its content distribution arm GMA Worldwide.
Nag-participate naman sila sa Asia TV Forum (ATF) 2022 in Singapore, na kilalang Asia’s leading entertainment content market, this year’s event is the first in-person Asia TV Forum since 2019.
Pinangunahan ni Jose Mari R. Abacan, First Vice President for Program Management, ang mga representatives ng GMA Network.
Sa three-day event, ipinalabas ang top-rating and trending historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra”, bannered by Barbie Forteza as Klay, Julie Anne San Jose as Maria Clara, and Dennis Trillo as Ibarra.
Ipinalabas din ang “LUV IS; Caught In His Arms,” ang much-anticipated collaboration project between GMA Network and Wattpad Webtoon Studios. An adaptation of the hit Wattpad novel, the series is topbilled by Sparkles favorite loveteam, Sofia Pablo and Allen Ansay.
Mapapanood na rin ang “LUV IS: Caught in His Arms” sa January, 2023 sa GMA Network.
***
NAKAPAGPAHINGA na si John Lloyd Cruz ng ilang buwan din na nagkaroon ng season break ang kanyang sitcom na “Happy ToGetHer” sa GMA Network, na pansamantalang pinalitan ng “Running Man Philippines.”
Ngayon ay muling magbabalik na ang sitcom this coming January, 2023. Magkaroon na kaya ng permanent leading lady si John Lloyd, or tuluy-tuloy pa rin na every Sunday ay iba ang kanyang special guest?
Nagtapos ang sitcom na ang special guest ni JLC ay si Arra San Agustin, pero sa ipinakitang teaser ng pagbabalik muli nila, guest ulit ang Sparkle beauty.
Other stars sa cast ay sina Ms. Carmi Martin at Miles Ocampo. Ang “Happy ToGetHer” ay under the direction of Edgar “Bobot” Mortiz.
***
TULOY na ang muling pagbabalik ng reality talent competition ng GMA Network, ang “The Clash 2023.” Nagsimula na ang audition sa libu-libong contestants mula sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, na ang mga pinakamagagaling na clashers lang ang natira.
The other day, ipinasilip na ng The Clash sa kanilang social media accounts ang ilan sa napili sa Top 30 kabilang sina Jamie Elise, Arabelle dela Cruz, Isaac Zamudio, Nash Casas at Kirby Bas.
Nagsimula na ring mag-taping ang mga hosts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang The Clash panel of judges na sina Comedy Queen Ai Ai delas Alas, Asia’s Nightingale Lani Misalucha at Christian Bautista.
Tutukan ang kanilang journey at kilalanin ang iba pang makapapasok sa Top 30 sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok at YouTube ng The Clash. Abangan natin ang “The Clash 2023” soon on GMA-7.
***
CONGRATULATIONS sa #PinoyChristmas in Our Hearts sa YouTube, dahil umani na ito ng mahigit nang 1 million views ang nakukuha ng digital exclusive ng GMA Public Affairs at YouTube sa https://bit.ly/3PPXZFi,
(NORA V. CALDERON)
-
Baril, bala, granada nasabat ng CIDG sa apartment ng naarestong drug suspect
NAKAKUMPISKA pa ang pulisya ng baril, bala at granada sa inuupahang apartment ng isa sa dalawang lalaking unang nahuli sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at pag-iingat nang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at marijuana, Martes ng hapon sa Caloocan City. Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Jynleo Bautista, […]
-
KAKAI, mukhang idinaan na lang sa mga posts ang sagot sa ‘demand letter’ ng management ni MARIO MAURER
IDINADAAN nga ba ng Dental Diva na si Kakai Bautista sa mga posts ang sagot niya sa ipinadalang demand letter ng management ni Mario Maurer sa kanya? Mula sa mga captions niya na, “Hooh hirap pag sobrang gandaa. Ismayl nalang si Tyang sa mga taonga yaw tumigil.” Hanggang sa, “BRB. Too busy loving […]
-
NAVOTAS EMPLOYEES MAKAKATANGGAP NG CASH INCENTIVES
MAGBIBIGAY ng karagdagang insentibo ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga epleyado city hall na patuloy ginagampanan ang kanilang tungkulin sa panahon ng COVID-19 pandemic. Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang dalawang ordinansa na magbibigay ng cash assistance sa regular, casual, contract of service, at job order employees na nagtatrabaho sa pamahalaang lungsod simula […]