Nakasungkit ng special awards kahit luhaan… AHTISA, umabot sa Top 10 sa kauna-unahang ‘Miss Cosmo International’
- Published on October 7, 2024
- by @peoplesbalita
LUHAAN ang Pilipinas sa kauna-unahang Miss Cosmo International na ginanap sa Saigon Riverside Park in Ho Chi Minh City, Vietnam.
Umabot lang sa Top 10 ang representative ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo. Pero nakuha nito ang Cosmo People’s Choice Award at Cosmo Tea Culture Tourism Ambassador title.
Si Miss Indonesia Ketut Permata Juliastrid ang nagwagi bilang Miss Cosmo queen!
Ang first runner-up ay si Miss Thailand Karnruethai Tassabut.
During the question and answer portion, Juliastrid spoke about her advocacy, which is sustainable tourism.
“I try to preserve culture, because I believe culture is an important aspect in order for us to be who we really are. Growing up in Bali, I am surrounded with traditional culture. It made me the woman I am today, and I have worked with local artistans, not only giving economic opportunity, but also giving them platform for the younger generations to take pride in their own culture, like how I take pride with my own culture.
“I am a Balinese, and I will continue to say that I am a proud Balinese. I am a proud Indonesian, and I am here to make Indonesia proud today.”
***
KABILANG nga sa naging emotional sa nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ ay ang former Kapuso child star na si Eunice “Charming” Lagusad na gumaganap bilang si Nurse Karen at isa sa malapit na kaibigang ni Doc Analyn sa APEX Medical Center.
Kinuwento ni Charming ang maraming happy moments working with the cast of AKNP at ang katotohanang malapit na itong magtapos.
“Malungkot po ang feeling namin dahil for the past two years naging routine, family at work ko na po ang Abot-Kamay family.
“Kaya to think na ‘yung nakasanayan mo na ginagawa mo araw-araw e, dadating na sa end. Thought alam naman po natin na matatapos talaga ang kada show.
“Nakakalungkot po at panigurado maninibago po ako, lalo kapag natapos na po kami mag-taping at mag-air.”
Ayon kay Eunice, hindi raw nila inaasahan na aabot ng dalawang taon ang serye. Dahil pandemic time noong magsimula sila mag-taping, tatlong buwan lang daw talaga ang itatakbo ng naturang serye.
“Hindi ko po talaga akalain na aabot kami ng two years dahil ang regular run naman po talaga ng isang show ay three months at ang sabi po talaga nung una ay September to December 2022 lang talaga po ang AKNP.
“Hanggang sa na-extend po nang na-extend dahil na rin sa sobrang pagmamahal at magandang feedback ng audience sa show namin at siyempre, pati na rin sa hard work ng buong AKNP fam at samahan kaya po siguro kami tumagal.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
Nietes tindero na
RUMARAKET muna sa kanyang maliit na negosyo si dating four-division world men’s professional boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes lalo pa’t walang laban ngayong panahon ng COVID-19. Ipinahayag kamakalawa ng 38-taong gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental ang pinagkakaabalahang trabaho. “Nagtayo muna ako ng kaunting negosyo,”salaysay ni boksingero. “Nagtitinda ako ng […]
-
Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner
PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng […]
-
Tracy Maureen, nakapasok sa Top 13… Karolina Bielawska ng Poland, kinoronahan bilang Miss World 2021
KINORONAHAN bilang Miss World 2021 si Miss Poland Karolina Bielawska. Ginanap ang Miss World 2021 sa Coca-Cola Music Hall in San Juan, Puerto Rico. Tinalo ng Polish beauty sa grand coronation night ang 39 candidates na nagmula sa iba’t ibang bansa. Ang 1st Runner-Up ay si Miss USA Shree […]