• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakatanggap na naman ng pamba-bash: CARLO, no show sa third birthday party ng anak na si MITHI

NAG-POST ng 3rd birthday party pictures ni Mithi si Trina Candaza sa kanyang Instagram account.

 

Obviously, tulad ng mga nakaraang birthday party ni Mithi, halatang pinaghandaan at binonggahan pa rin ang 3rd birthday ng anak nila.

 

Iba’t-ibang pictures ang pinost ni Trina na kuha sa party. Meron din na kasama ang mga bisita, pero, sigurado naman na isa lang ang hinahanap ng mga nakakita ng post niya, kung present din ba sa birthday party ang Daddy ni Mithi na si Carlo Aquino.

 

Kung pagbabasehan ang mga larawan na nai-post, mukhang absent, wala o no show si Carlo. Kaya nakatatanggap na naman ito ng mga pamba-bash.

 

Naniniwala kaming may dahilan si Carlo kung wala man ito. Naniniwala rin kami na maraming nangyayari sa pagitan nila ng ina ng anak na hindi na talaga nilalabas sa publiko, lalo na ni Carlo na kilalang hindi mahilig sa publicity.

 

***

 

SI Aga Muhlach ang artista na napakatagal na inalagaan o hinawakan ni Manay Ethel Ramos bilang talent.

 

Sa pagpanaw ni Manay Ethel sa edad na 87, naglabas ng kanyang saloobin si Aga sa kanyang Instagram account.

 

Mararamdaman ang pangungulila, pagmamahal at pasasalamat ni Aga sa kanyang manager.

 

Ayon dito, “Rest and go in peace my dearest ‘te Ethel. Don’t even know where to begin… 30 years of love, laughter, arguments, tsismis, pangarap, hard work to name a few. We all shared together and we just loved and embraced each other. I will miss you. I am forever grateful to you and what you’ve done for me.

 

“We’ve talked about death so many times that we both know we are ready. Lahat naman tayo dadating diyan. So much more to say but I’ll just leave it at this. Mahal ka naming lahat na tinulungan at minahal mo. Habambuhay ka sa puso ko.

 

“Please pray for us na naiiwan pa dito. Rest in eternal peace dearest tita Ethel. I love you very much. Don’t worry about me, you’ve taught me so much in life. We’ll just be fine. Hurt, sad, but kaya ‘to. Again, rest in peace. You’re with our creator now. Your son, Aga.

 

“Ang dami ko pang gustong sabihin…’di ko na din alam… basta.”

Rest in peace, Manay Ethel. Salamat po.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Dahil sa P10 milyong halaga ng libro na pinondohan ng OVP… VP Sara, Hontiveros nagsagutan sa budget hearing

    NAGKASAGUTAN sina Vice President Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng panukalang pambansang budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P2.037 bilyon para sa susunod na taon.         Nag-ugat ang sagutan ng dalawa nang usisain ni Hontiveros kung ano ang paksa ng librong inakda mismo ni […]

  • Ancajas target na umakyat ng weight division

    BALAK ni Filipino boxer Jerwin Ancajas na umakyat ng weight division.     Kasunod ito sa pagkatalo niya sa kanyang rematch kay IBF champion Fernando Martinez.     Sinabi nito na hindi na ito nababagay sa junior bantamweight division kaya natalo siya.     Naniniwala siya na walang naging problema sa kaniyang kondisyon at stamina […]

  • PBBM sa PCSO na may 90 taon na serbisyo: Patuloy na tulungan ang mga nangangailangan

    NANAWAGAN si Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na tupdin ang kanilang mandato na tulungan ang mga ‘vulnerable Filipino’ habang pinuri naman ang nasabing ahensiya ng pamahalaan para sa “remarkable” na siyam na dekadang serbisyo.   Sa pagsasalita sa 90th anniversary celebration ng PCSO sa Manila Hotel, […]