• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakatira na raw ngayon sa isang unit sa Rockwell: Dream house ni DANIEL, may nagkaka-interes na pero wala pang bayarang nagaganap

AFTER nakitang magkasamang namili ng celphone sina Gretchen Barretto at Atong Ang, ay kay Sunshine Cruz naman iniuugnay ang negosyante.

 

May relasyon daw ngayon si Atong sa dating asawa ni Cesar Montano.

 

May mga nakakita raw na magkasama sina Sunshine at Atong sa isang non-showbiz affair.

 

Kumbaga, lipas na raw at lumang isyu yung kay Gretchen Barrett kundi isang Sunshine Cruz daw ang karelasyon ng mayaman at kontrobersiyal na negosyante.

 

Agad namang itinanggi ni Sunshine ang naturang isyu bagkus natatawa na lang ang ang premyadong aktres.

 

Dagdag pa niya na medyo matagal na raw ang naturang isyu. Hindi na raw dapat pang pag-usapan pa dahil wala raw namang katotohanan.

 

Sa isang panayam, idinenay din naman ni Atong Ang ang kumakalat na isyu, huh!

 

***

 

MATAPOS lumabas na ‘for sale’ na ang dream house ng sikat na aktor na si Daniel Padilla ay may mga nagkaka-interes na raw sa naturang mansiyon.

 

Pero as of this writing, ay wala pa raw namang bayarang nangyayari. Kaya hanggang ngayon ay pagmamay-ari pa rin ito ng Kapamilya actor.

 

Pero may nakarating na balita sa amin na hindi na raw nakatira si Daniel sa naturang bahay na super ipinagmamalaki pa niya noon, huh!

 

Doon na raw sa Rockwell umuuwi ang dating karelasyon ni Kathryn Bernardo. May isang unit kasi sa isa sa pinakamahal na lugar sa Rockwell ang anak ni Karla Estrada.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Ipakikilala sa Thanksgiving Gala ng GMA Network sa July 30: SARAH, mukhang tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso kasama si MATTEO

    KALAT na kalat na ang balitang paglipat ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo sa GMA-7, na halos dalawang dekada nang Kapamilya, kasabay din nito ang The Voice Kids na nakuha na raw ang rights ng Kapuso Network.     Isa nga si Sarah sa judge/mentor ng Philippines’ franchise ng American singing competition sa lumipas na […]

  • Slaughter gusto nang bumalik sa basketbol

    SABIK nang bumalik sa paglalaro si Philippine Basketball Association (PBA) star Gregory William ‘Greg’ Slaughter ng dating Barangay Ginebra San Miguel.   Sa Twitter pinarating ng 32-year-old, 7-foot center ng former Gin King, nitong isang araw lang dahil sa panonood ng laro ng Gilas Pilipinas sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup qualifier window […]

  • Matapos ang earthquake drill, asahan ang fire drill sa Malacañang, Complex

    NAKATAKDANG ikasa rin sa mga susunod na araw at pagkakataon ang fire drill sa mga gusali sa Malacañang, Complex makaraang ikasa ang earthquake drill ngayong taon .     Ayon kay Architect Reynaldo Paderos ng Office of the President (OP) Engineering Office, nangangasiwa sa gusali ng New Executive Building (NEB) sa Malacañang, Complex, itatakda nila […]