Nakatulong ang pagpayag nina ZANJOE at JC: BELA, sinabihan na ready nang magdirek kaya in-accept ang kakaibang challenge
- Published on April 2, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI naman daw conscious choice para kay Bela Padilla ang pagdidirek niya ng pelikula.
Ipalalabas via streaming sa Vivamax ang debut film niya titled 366 kung saan co-stars niya sina Zanjoe Marudo at JC Santos.
“Maraming nagsasabi na ready na raw ako to direct and one of them is Boss Vic (del Rosario) of Viva na itinuturing kong tatay sa industry. Para siya ang nagbigay ng seal of approval na I can do it kaya itinuloy ko na,” sabi Bela sa digital presscon ng 366.
Bela took Boss Vic’s words seriously. Isa pang pinakinggan niya ay si Direk Irene Villamor, na idol niya as a director. Since pumayag si Direk Irene to serve as her debut film’s creative producer kaya mas lalo siyang na-encourage na tanggapin ang offer na magdirek.
Nakatulong din sa pagdedesisyon ni Bela ang pagpayag nina Zanjoe and JC to appear in the film as her actors.
“Nakikita talaga nila na ready na ako kaya I accepted the challenge,” pahayag pa ni Bela.
Pero aminado si Bela na sobrang kabado siya on her first shooting day. Pinanood lang daw niya na umaakting si Zanjoe at nalimutan niya na artista rin siya sa pelikula.
But she eventually got the feel of directing and naging smooth sailing na ang kanyang trabaho as a director.
Ipapalabas ang 366 sa Vivamax beginning April 22.
***
NEVER pa pala nagkaroon ng intimate scene sa pelikula sina Bela Padilla at JC Santos kahit na ilan beses na rin silang nakagawa ng pelikula.
Pero sabi ni JC ay wala naman daw magiging problema if ever magkakaroon man sila ng ganitong eksena in any of their future movies.
Excited si JC to be part of the cast of 366, ang debut film ni Bela as a director.
“When I reported on the set sa first day shoot namin, I was looking forward kung paano ako ididirek ni Bela sa mga scenes namin,” wika ni JC who told himself na dapat kasali siya sa unang movie ni Bela as a director.
And Bela didn’t disappoint as a newbie director. Impressed si JC sa trabaho ni Bela on the set. Kaya naman very thankful si JC na he accepted 366.
(RICKY CALDERON)
-
Dy, 6 pa kabilang sa WNBL draft
NASA pitong mga kasapi dati ng Gilas Pilipinas o national women’s quintet sa pamumuno ni Raiza Rose Palmera-Dy ang mga pumasok sa opisyal 177 ballers para sa 1st Women’s National Basketbal League (WNBL) Rookie Draft 2020 sa San Fernando, Pampanga bago matapos ang buwang ito. Kasama ng 27 na taong-gulang at 5-6 ang taas […]
-
BONGBONG MULING NANGUNA SA ONLINE SURVEY NG MANILA BULLETIN
MULI na namang nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa online survey gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform ng pahayagang Manila Bulletin na isinagawa nitong Nobyembre 19 hanggang 21. Ayon sa opisyal na resulta na ipinalabas ng naturang pahayagan, lumamang ng malaki si Marcos, standard-bearer ng Partido Federal […]
-
Sotto marami pa palang mapaglalaruang mga liga
SALTONG makapaglaro si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto sa 20th NBA G League 2021 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Bay Lake, Florida noong Pebrero 10. Hindi na rin siya maaaring maging student-athlete scholar sa 83rd United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021. O makabalik […]