• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakatutuwa ang gesture ng kanyang pamilya: BEA, nagluto at ipinakain sa mga kapitbahay na Aetas sa Zambales

NAKATUTUWA ang gesture ni Bea Alonzo at ng kanyang pamilya.

 

 

Sinimulan sa isang cooking vlog kung saan ang mga niluto nila ay ipinakain sa mga kapitbahay niyang Aetas sa farm ni Bea sa Zambales.

 

 

“Nag-invite kami ng aming kapitbahay na aetas at nagpi-prepare kami ng meal para sa kanila,” kuwento ni Bea sa simula ng vlog niya.

 

 

Sa Youtube channel ni Bea ay ipinakita na nagluto sila ng Chicken Hamonado at Arroz Valenciana.

 

 

Kasama ni Bea sa video ang kapatid niyang si James at ang asawa nitong si Thalia na anak ng komedyanteng si Bayani Agbayani.

 

 

Bago pa nila sorpresahin ang mga bisita, inilahad ni Bea na may plano ang kanyang ina na tulungan ang mga Aeta.

 

 

“Kanina pa nila chinichika si mama doon. Nagplano na si mama ng medical mission,” pagbabahagi pa ng aktres.

 

 

***

 

BUKOD sa consistent na mataas na rating tuwing Sabado ng gabi ay may mga bagong achievements ang Magpakailanman o #MPK ng GMA at ito ay ang multiple nominations ng programa sa PMPC Star Awards for TV 2023 na gaganapin sa January 28, 2023, at 6 pm, sa Winford Manila Resort and Casino.

 

 

Nominado ito ng Philippine Movie Press Club bilang Best Drama Anthology kung saan makakatunggali niya ang kapwa GMA Network shows na ‘Tadhana’ at ‘Wagas’.

 

 

Maging ang mga aktres na nagpakita ng mahusay na pagganap sa mga hindi malilimutang episode ay nominado naman para sa kategoryang Best Single Performance by an Actress.

 

 

Kabilang dito sina Bianca Umali para sa episode na ‘Sayaw Ng Buhay’ kung saan gumanap siya bilang isang para-dance sport champion, si Jennylyn Mercado para sa episode na ‘Sa Kamay Ng Fake Healer’ kung saan gumanap siya bilang magnanakaw ng kneecap ng yumao niyang tiyahin at Kyline Alcantara para sa episode na ‘Rape Victim, Ikinulong?’ kung saan gumanap siya bilang OFW na biktima ng karahasan ng kapwa niya Pilipino sa Dubai.

 

 

Maging ang mga male actors ng #MPK ay napansin ang mga natatanging pagganap upang maging nominado bilang Best Single Performance by an Actor.

 

 

Kabilang diyan si Mark Herras na gumanap bilang physically at sexually abusive husband sa ‘I Married My Rapist’, si Martin del Rosario na gumanap naman bilang konserbatibo pero bayolenteng asawa sa ‘The Lockdown Wife’, at si Royce Cabrera na gumanap bilang massage therapist na napilitang magbigay ng extra service sa ‘Masahista For Hire’.

 

 

Patuloy na napapanood ang tunay na kuwento ng mga tunay na tao sa #MPK o Magpakailanman tuwing Sabado, 8:00 pm sa GMA.

 

 

Naka-livestream din nang sabay ang mga episodes nito sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

 

 

***

 

 

Isa pang toprater ng GMA, ang ‘Maria Clara At Ibarra’ ang may pambulaga sa viewers dahil sa mga bagong karagdagan sa mga miyembro ng cast ng show.

 

 

Ipinakilala na sina Sparkle stars Khalil Ramos, Pauline Mendoza, at Julia Pascual bilang karagdagan sa cast ng teleserye.

 

 

Si Khalil ang gaganap bilang binatang Basilio, ang karakter na ginampanan ng child actor na si Stanley Abuloc sa unang bahagi ng programa.

 

 

“I’m super excited lang din talaga na ma-fill in ko ‘yung shoes ng isang character na ilang beses na rin nating napanood. Siyempre, isa siyang character na sinulat ni Jose Rizal so I’m very much excited and very thankful to be part of this wonderful show,” pahayag ni Khalil.

 

 

“Nakaka-one day pa lang ko ako sa pagsu-shoot and so far sobrang natutuwa po ako kasi winelcome po talaga ako ng buong cast and crew ng show na ‘to. They made me feel comfortable and sobrang collaborative din nila.

 

 

“I’m very excited kung anong puwede naming maibigay na kuwento dito sa El Filibusterismo. Excited din ako na ma-fill ‘yung shoes ni Basilio dahil alam po natin na napaka importante din ng role ni Basilio sa El Filibusterismo,” kuwento pa niya.

 

 

Si Pauline naman ang gaganap bilang Juli, ang kababata ni Basilio.

 

 

“I’m a fan of Maria Clara at Ibarra. Sobrang ganda! I’m very happy and grateful. Sobrang successful ng Maria Clara at Ibarra. Now, napabilang ako sa El Filibusterismo, so sobrang thank you.

 

 

“Thank you for giving me this opportunity. I’m very excited to work with everyone, to give life to my character as Juli. Excited akong makatrabaho si Khalil kasi ako ang kbabata niya. I’m looking forward to working with everyone,” lahad ni Pauline.

 

 

Espesyal daw para kay Pauline ang maging bahagi ng Maria Clara at Ibarra dahil isa itong “first” para sa kanya.

 

 

“This is gonna be my first ever period piece. Nagre-research ako kung sino ba si Juli, kung ano ba siya, paano ko bibigyan ng buhay ‘yung character niya. Nilu-look forard ko rin talaga to be working also with direk [Zig Dulay],” dagdag ng aktres.

 

 

Si Julia naman ang magbibigay buhay sa karakter ni Paulita Gomez, ang pamangkin ni Doña Victorina (Gilleth Sandico).

 

 

“Sa tingin ko, sobrang iba ako sa karakter ni Paulita Gomez. Kailangan kong ibigay ‘yung lahat ng makakaya ko dahil sa pagkakaalam ko sa kuwento ng El Filibusterismo, talagang mas madilim ito. This is about revenge, its about fighting harder for what you believe in,” bahagi ni Julia.

 

 

Sa tingin daw ni Julia, magiging challenging ang role para sa kanya.

 

 

“I think my character really has to understand that the love she has for Isagani and also for the other characters that she may meet in this part of Maria Clara at Ibarra, kailangan niyang matutong tumayo sa kanyang sariling mga paa. Gagamitin niya ‘yung isip niya imbis na ‘yung puso niya ang gagamitin.

 

 

“Challenging role po ito sa akin. Sana po mabigyan ko po ng justice ‘yung character na ‘to lalo na kasama ko ang mga napakagaling na mg aktor. Excited na po ako na bigyang buhay ang El Filibusterismo,” pahayag pa ni Julia.

 

 

Bukod kina Khalil, Pauline, at Julia, magiging bahagi rin ng programa si Kim de Leon bilang kasintahan ni Paulita na si Isagani.

 

 

Kasama rin si Arnold Reyes bilang Kabesang Tales, na una nang napanood bilang taong kumupkop sa batang si Basilio sa unang bahagi ng Maria Clara at Ibarra.

 

 

Mapapanood ang tumitinding mga eksena ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Piolo Pascual and Jasmine Curtis-Smith Star in the R-rated Drama Thriller “Real Life Fiction”

    PIOLO Pascual and Jasmine Curtis-Smith pair up in Black Cap Pictures’ intense drama thriller Real Life Fiction.         Directed by Paul Soriano and shot during the height of the pandemic, the movie delves into the abyss of an actor’s mind as he loses bits of his sense of self after years of […]

  • PBBM, ipinag-utos sa DOE na tugunan ang power situation

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DoE) na kagyat na tugunan ang energy situation sa bansa kasunod ng red alert na deklarasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).     “In light of the recent Red and Yellow Alerts in the Luzon Grid, I have instructed the Department of […]

  • PDu30 kinampihan si Duque sa Pfizer vaccine deal

    PINAGPAPALIWANAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa  sinasabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na “somebody who drop the ball” kaya hindi natuloy ang kasunduan ng Pilipinas sa Pfizer COVID-19 vaccine manufacturer na dapat sana ay Enero ng susunod na taon ay maidedeliver na ang bakuna.   […]