• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakipagsabayan sa Japanese actress na si Arisa Nakano: GABBY, tumagos ang role sa ‘Kono Basho’ dahil na-experience niya

SANIB-PUWERSA ang Project 8 Projects at Mentorque Productions para sa Cinemalaya Independent Film Festival na ‘Kono Basho’ na kinunan sa Japan.

 

 

 

Ang Project 8 Projects ang naghatid ng Cinemalaya Audience Choice Award Rookie (2023) and Gawad Urian Best Film winner, na ‘Iti Mapukpukaw’ (2023).

 

 

 

Sila rin ang nag-produce ng well-awarded movies tulad ng ‘Never Not Love You’ (2018), ‘Alone Together’ (2019), at ‘Fan Girl’ (2020).

 

 

Naging matagumpay naman ang Mentorque sa kanilang box-office hit and critically acclaimed film na ‘Mallari’ (MMFF 2023 entry), ito rin ang first Filipino mainstream movie na distributed by Warner Brothers.

 

 

Ibinagi naman ni Bryan Dy (Executive Producer under Mentorque Productions) kung ano ang nag-udyok sa kanya na buhayin ang kuwento ito.

 

 

 

 

 

“What drew me to Kono Basho was the powerful story the director embodies hope in the face of adversity.

 

 

“Witnessing the rebuilding efforts of Rikuzentakata and the community’s unwavering spirit is incredibly inspiring. I want audiences to feel the warmth and solace that ‘Kono Basho’ offers.”

 

 

At dahil sa tagumpay ng kanilang debut film na ‘Mallari’, nakita ni Dy ang kahalagahan sa pagsuporta sa mga filmmaker na naglalagay ng puso sa bawat kwentong kanilang gagawin.

 

 

“It’s important for me to continue supporting filmmakers who bring such impactful stories to life, emphasizing the strength of the human spirit,” papayag pa niya.

 

 

Sa pinagsamang malikhain puwersa, kahanga-hangang isinalaysay sa ‘Kono Basho’ ang kuwento ng dalawang estranged half sisters na sina Ella (Gabby Padilla) at Reina (Arisa Nakano), na muling nagkama-sama sa libing ng kanilang ama sa Rikuzentakata, na kung saan nauwi sa pakikipag-ugnayan nila upang gamutin ang mga personal na sugat.

 

 

Kailangang harapin ni Ella, na isang 28-anyos na Filipina Anthropologist, ang mga kultural at emosyonal na kumplikadong kaakibat ng pangalawang pamilya ng kanyang ama, lalo na ang kanyang kapatid sa ama, si Reina, na ipinanganak at lumaki sa Japan.

 

 

Sa gitna ng masalimuot na kaganapan sa kanilang relasyon, natagpuan nina Ella at Reina ang koneksyon habang pareho silang nagsusumikap na magkasundo sa magkakaibang pananaw sa kanilang ama.

 

 

Ang paglalakbay ng magkapatid ay pagtuklas din sa sarili at naging kaakibat ng pagpapagaling ng Rikuzentakata, isang lungsod na lubhang naapektuhan ng mapangwasak na lindol at tsunami noong Marso 2011 sa silangang Japan.

 

 

Ang ‘Kono Basho’ ay isang personal na kuwento na ginawa ng visual artist, curator, teacher turned filmmaker at direktor na si Jaime Pacena II. Humugot siya ng inspirasyon mula sa panahon na ginugol niya sa Japan sa pagsasaliksik at pag-i-immerse sa Rikuzentakata.

 

 

Masining na sinasalamin ni Pacena ang kanyang labintatlong taong pangangalap ng mga larawan at video bilang mga natitirang alaala, na pangunahing tema na makikita sa kabubuan ng pelikula.

 

 

“Seeing Rikuzentakata rebuild and reform after the disaster for several years is what drew me in writing Kono Basho. The hope amidst loss and pain is such an inspiration,” pagbabahagi pa ni Pacena.

 

 

Ang lalong nagpa-espesyal sa pelikulang ito ay ang pagbabalik ni Direktor Dan Villegas bilang isang cinematographer. Matapos mag-focus sa mga directorial roles na nakakuha sa kanya ng Metro Manila Film Festival Best Director noong 2014, gayundin sa paggawa ng mga pelikula at palabas sa TV, bumalik si Villegas sa kanyang pinagmulan bilang Direktor ng Photography para mas bigyang-buhay ang mga kuwento nina Ella at Reina.

 

Bukod sa kanyang tungkulin bilang DOP, nagsisilbi rin si Villegas bilang Executive Producer at Producer ng pelikulang ito sa ilalim ng Project 8 Projects.

 

 

Higit pa sa mga kahanga-hangang talento, malaki rin ang naging bahagi ng Japan Foundation sa pagpipinta ng kwentong ito.

 

 

Dahil ang pelikula ay ganap na kinunan sa Japan, ang production team ay tinulungan ng foundation upang matiyak na ang kultura at sensibilidad ng Rikuzentakata, Japan ay maayos na nakuha at pinarangalan.

 

 

Ang Kono Basho ay isang kwento tungkol sa pamilya, pagkawala, pagkakakilanlan at pagbabago. Malalim itong sinasaliksik ang mga masalimuot na isyung nakapalibot sa diaspora ng mga Pilipino, na itinakda sa backdrop ng mga trauma na dulot ng tsunami noong Marso 2011, na nag-aalok ng malalim na pagmuni-muni sa mga temang ito. Dumadaloy ang kalungkutan. Ngunit hindi mo kailangang sakyan ito nang mag-isa. Minsan ang mga taong hindi natin inaasahan na tutulong sa atin ay sila pa ang nagpapahirap.

 

 

Litaw na litaw nga ang kahusayan ni Gawad Urian and Cinemalaya Best Actress nominee Gabby Padilla sa pagganap sa ‘Kono Basho’, napansin nga ang pagganap sa kanyang outstanding roles sa ‘Kalel, 15’, ‘Billie and Emma’, at sa ‘Gitling’.

 

 

Natanong si Gabby sa naging experience niya habang nagso-shooting ng pelikula sa Japan.

 

 

“The community we built in Japan while shooting in Rikuzentakata was one of my favorite things about the whole Kano Basho experience. Being able to work with an amazing team in such a magical place was already a gift in itself.”

 

 

Dagdag pa niya sa story ng worth watching na movie, “noong nabasa ko siya, medyo tumagos siya sa akin, kasi may sister din ako. And the film is about the two sisters going through the loss of their father together.

 

 

“And that something that I experienced with my own sister.”

 

 

Hindi rin matatawaran ang galing sa pagganap ni Japanese actress na si Arisa Nakano, na na nakilala sa kanyang pivotal role in the Oscar nominated movie ‘Perfect Days’.

 

 

Kaya naman hanggang-hanga rin si Gabby at hindi siya nahirapang sa kanilang eksena.

 

 

“Si Arisa magaling po niya,” pag-amin niya.

 

 

“Sobrang husay niya at sobrang generous niya as an actress. Kaya hindi mahirap to share a scene with her.”

 

 

Dahil nakatira siya sa Japan, ang disaster sa Rikuzentakata hit closer to her.

 

 

She expresses her sentiment and hopes for the Filipino audience seeing this film:

 

 

“Having lived through the big natural disaster in Japan, I’ve seen how people’s lives changed because of it. I hope people in the Philippines get a glimpse of that reality through this film.”

 

 

Maglakbay sa Japan kasama ang ‘Kono Basho’, na official entry sa 20th Cinemalaya Independent Film Festival na nagkaroon ng Gala Premiere noong August 6 sa Ayala Malls Manila Bay (AMMB), na talaga namang pinalakpakan nang matapos ang movie.

 

 

Patuloy itong mapapanood:

 

 

August 8 – AMMB Cinema 8 & 10 at 11:00 AM; UP Town Center Cinema 3 & Greenbelt Cinema 3 at 2:00 PM

 

 

August 9 – TriNoma Cinema 1 & Market Market Cinema 2 at 2:00 PM

 

 

August 10 – UP Town Center Cinema 3 & Greenbelt Cinema 3 at 5:00 PM

 

 

Hoping din sila na after Cinemalaya at maisali ang ‘Kono Basho’ sa iba’t-ibang international filmfest.

 

 

“Sana naman, we’ll happy to bring the film to wherever it is meant to. If it is to Japan or worldwide, why not? We’ll be happy to share to the bigger audience,” pagtatapos pa ni Gabby Padilla.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ICC, walang hurisdiksyon sa Pinas; hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon- PBBM

    MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas at hndi rin makikipagtulungan ang kanyang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC sa “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.     Hiningan kasi ng paglilinaw ang Pangulo sa napaulat na nasa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC […]

  • Magno magpapaboksing para sa mga na-Ulysses

    ILISTA na sa humahabang talaan ng mga atletang may mabubuting kalooban si Irish Magno.   Aaayuda rin ang 29-anyos na dalagang tubong Janiuay, Iloilo sa mga nakalamidad.   Si Magno ay patungong 32nd Summer Olympic Games 2020 na naurong lang sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021 dahil sa pandemyang Covid-19.   Sa pinaskil niya Facebook account, […]

  • Ads November 26, 2020