Nakitang kayang makipagsabayan sa ibang coaches: STELL, revelation kaya hanga ang starmaker at director na si Mr. M
- Published on September 8, 2023
- by @peoplesbalita
“TROPANG Magaling” pala ang tawag ni Mr. M (Johnny Manahan), starmaker and director ng “The Voice Generations” sa mga coaches na sina Chito Miranda, Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at si Stell Ajero ng SB 19.
Inamin ni Mr. M. na nakatrabaho na niya sina Chito, Billy at Julie Anne, pero ang nasorpresa at nabulabog daw siya ay kay Stell, na ayon sa kanya ay isang revelation.
“Speechless ako, kaya niya ang ginagawa niya, he has the makings of a star. Impressed ako by his presence at napaka-professional niya. Presence pa lamang niya, talbog na ako, eh.
“Wala akong masabi at maipintas sa kanya. Kapag kumanta na siya, saka the way he moves, isa na siyang star. Kaya niyang makipagsabayan kahit kanino. Noong una, ang worry ako kung magiging confident siyang makipag-banter sa mga experienced coaches na, pero hindi, he’s quick witted, bago mo mapansin, nauuna pa siyang makipag-usap sa mga contestants.”
Nakita raw naman ni Mr. M. ang full support nina Chito, Billy at Julie Anne kay Stell, kaya nga niya tinawag niya sila na “Tropang Magaling.”
“Hindi sila nagpapataasan sa isa’t-isa, tulungan sila, na madalas ay nauuwi sa tawanan, kapag nakapili na ang mga contestants ng gusto nilang mag-coach sa kanila.”
Hindi na bago kay Mr. M ang “The Voice Generations” dahil naidirek na niya ang “The Voice” noong nasa ABS CBN pa siya, kaya happy siya na ngayon, he has a different set of judges.
Napapanood ang show na hino-host ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, every Sunday, 7:00 p.m. sa GMA-7.
***
NGAYONG may second project na sina Barbie Forteza at David Licauco, ang “Maging Sino Ka Man,” hindi maiwasan na may mga fans sila na medyo hindi tanggap kapag napag-uusapan ang tungkol kina Barbie at sa boyfriend nitong si Jak Roberto.
Lalo na kung nagpu-promote sila ng serye at nababanggit si Jak, may nagri-react na dapat daw ay tungkol lamang kina Barbie at David ang pag-uusapan.
Sa totoo lang naman, open naman si Jak sa pagsasabing wala siyang selos tungkol kina Barbie at David, kaya naman si Barbie ay walang ipinag-aalaala dahil wala naman daw siyang nakikitang dahilan para mag-explain siya kay Jak tungkol sa sitwasyon.
Dagdag pa ni Barbie suportahan lamang sila ni Jak, dahil tulad ngayon, may serye ring lumalabas si Jak, daily, ang “The Missing Husband” with Yasmien Kurdi at Rocco Nacino sa GMA Afternoon Prime.
Sa Monday, September 11, 8:00 p.m. na ang world premiere ng “Maging Sino Ka Man” sa GMA-7. Sa direksyon ni Enzo Williams, ang special limited series ay mapanonood lamang for eight weeks, after “24 Oras.”
***
SA kabila ng pagiging busy ni Jillian Ward sa taping niya ng top-rating series na “Abot-Kamay na Pangarap,” may time pa siya para mag-guest sa primetime series na “Royal Blood” na pinangungunahan ni Dingdong Dantes.
Hindi pa niri-reveal kung ano ang role na gagampanan ng “Star of the New Gen” ng GMA Network, pero may kinalaman din kaya ito sa role niya bilang si Dr. Analyn Tanyag sa afternoon prime?
Malapit na ring magtapos ang “Royal Blood” na napanonood gabi-gabi at 8:50 p.m.
(NORA V. CALDERON)
-
Tiyak na miss na miss na nila ang isa’t-isa: RURU, super sweet sa pagpapadala ng red roses kay BIANCA kahit nasa South Korea
TIYAK na miss na miss na nina Bianca Umali at Ruru Madrid ang isa’t isa, dahil matagal-tagal na ring nasa South Korea si Ruru na nagti-taping ng “Running Man PH.” Kaya naman parehong nag-“i miss you” ang dalawa sa kani-kanilang Instagram post, matapos padalhan ni Ruru ng isang bouquet of Ecuadorian red roses […]
-
Arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa China, isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan- PDu30
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa malawak na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea na nakadulog sa United Nations ay “isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan.” “Sa totoong buhay, ‘yang papel, wala ‘yan… Sa usapang bugoy, sabihin ko sa’yo, ibigay mo […]
-
Tinalakay ang karagdagang tulong para sa mga Bulakenyo, Kalihim ng DSWD, nakipagpulong kay Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakipagpulong si Kalihim Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development kay Gobernador Daniel R. Fernando umaga ng Sabado sa DSWD Office sa Quezon City upang talakayin ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya at iba pang tulong na maaaring ipagkaloob upang mapagaan ang kasalukuyang sitwasyon sa lalawigan. […]