• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nananatiling nirerebisa pa: Magna Carta of Seafarers, hindi nilagdaan ni PBBM

NAUDLOT ang paglagda sana sa panulakang Magna Carta of Filipino Seafarers, araw ng Lunes dahil sinabi ng Malakanyang na kailangan pa itong rebisahing mabuti.

 

 

Hangad ng Magna Carta of Filipino Seafarers na ayusin ang karapatan at responsibilidad ng mga seafarers o madaragat at magtatag ng mekanismo para sa proteksyon ng karapatan ng mga seafarer at paano sila hihingi ng tulong at lunas mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Nauna rito, sa isang liham mula sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) para sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, nakasaad dito na nakatakdang lagdaan ng Pangulo ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa isang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang, ngayong araw ng Lunes, Pebrero 26.

 

 

Tanging ang Republic Act 11981, o Tatak Pinoy Act, at Republic Act 11982, nagkakaloob ng benepisyo sa mga Octogenarians and Nonagenarians ang dalawang batas na nilagdaan ng Pangulo.

 

 

“Under further review,” ang sinabi naman ni PCO Secretary Cheloy Garafil nang tanungin kung bakit hindi nakasama ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa mga nilagdaang batas ng Pangulo.

 

 

Matatandaang sinertipikahan ng Pangulo ang batas na ito bilang urgent noong Setyembre ng nakaraang taon, naglalayon ito na tiyakin na ang mga Filipino seafarers ay patuloy na magkakaroon ng kalamangan mula sa kanilang foreign counterparts sa pamamagitan ng pagsasanay at akreditasyon.

 

 

Sakop nito ang mga Filipino seafarers “who are employed or engaged or work in any capacity onboard foreign-registered ships and Philippine-registered ships operating internationally.”

 

 

Hangad ng batas na tugunan ang kakulangan sa domestic laws vis-a-vis sa pagsunod ng bansa sa international maritime standards at rights and welfare ng mga seafarers.

 

 

“This is to address recurring deficiencies in the domestic laws pertaining to the training and accreditation of thousands of Filipino seafarers, which endanger their employment in the European market in particular, and the global maritime arena, in general,” ayon sa PCO. (Daris Jose)

Other News
  • TIANGCO BROTHERS MULING NANGUNA SA JOB PERFORMANCE POLL

    MULING nanguna si Navotas Congressman Toby Tiangco habang nakuha naman ng kanyang kapatid na si Mayor John Rey Tiangco ang ikalawang puwesto sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) noong September 20-30, 2023 sa third-quarter na pagganap ng mga mayor at mga kinatawan ng Metro Manila.     Nakamit ni Cong. Tiangco ang 95.3% job […]

  • Pacman, kargado na ng protina ang pagkain, ilang araw bago ang laban

    Nananatili umanong agresibo sa nalalapit na laban si 8-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao, kahit naudlot ang laban kay American undefeated boxer Errol Spence at ipinalit si Yordines Ugas.     Ayon sa isa sa tagaluto ng team Pacquiao na si Cliff Ramat Manzano hindi nagbago ang gilas ng fighting senator.     Kaya […]

  • Rider timbog sa baril-barilan at shabu sa Valenzuela

    Kulong ang isang 44-anyos na rider matapos makuhanan ng baril-barilan at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Airsoft pistol/ illegal possesion of firearm), paglabag sa RA 9165 at Art 151 of RPC (Disobedience) ang […]