Nanawagan na kilatising mabuti ang pulitikong iboboto: ANGEL, kalmadong sinagot ang paratang ng isang basher at ‘di dapat mag-away-away
- Published on February 11, 2022
- by @peoplesbalita
SUPER react na naman ang netizens at matatapang ang kanilang komento sa IG post ni Angel Locsin na may art card na kulay pula at nagsusumigaw na ‘Never Again!’
May caption ang kanyang panawagan sa sambayanang Pilipino na, “Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward.
“PLEASE LANG — Kilatising mabuti ang bawat pulitiko.”
Dagdag pa ng aktres, “Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, Sinungaling, Nagmamanipula ng batas, Tamad, Malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa.
“Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili nyo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY! Pag isipan rin kung sino ang susuportahan!” kasunod ang tatlong praying hands emojis.
Sagot ng netizen sa kanyang IG account, “Naging Leni lang din naman kayo kasi gusto mo maibalik ang network nyo, network na kumikita kayo ng milyon milyon, network ninyong manloloko, network ninyong fraud, small business nga dyan pag may maling nagawa o di nakapag-comply close agad tapos yang network ninyo harap-harapang nanggagago. #neveragain.”
Sagot naman ni Angel na lantaran nama nang pagsuporta kay VP Leni Robredo, “wala pa akong binabanggit na pangalan.”
Comment ng netizens, “ang daming trolls. Point ni Angel bumoto kayo ng maayos na candidates. If ayaw nyo sa choice niya, go lang. @therealangellocsin you deserve to state your views and people should respect that.”
“Never Again? Para kanino.”
“Susme. kala mo eh namilit yung tao or nag-endorse. Ni walang name drop. Bato bato sa langit talaga. Tamaan… GUILTY!”
At kahit nga marami naman ang nag-agree at naniniwala sa gustong ipaglaban ni Angel na maging wise lang sa pagboto, meron talagang malakas ang loob na mam-bash.
Sabi ng basher, “Huwag niyo bulahin ang tao! Gusto niyo sumama tao sa inyu dahil gusto niyo lang naman interest niyo para muling kumita ng pera! Nakakasuka kayu (vomiting emoji).”
Naging malumanay naman ang sagot ni Angel at nakikiusap na intindihin ang gusto niyang iparating sa ating mga kababayan.
Pahayag ng misis ni Neil Arce, “please read my post carefully. Yung statement na ganito ay hindi pagkakakitaan.
“Eto’y para sa lahat. stop the hatred, hindi tayo magkaaway at hindi dapat mag-away.”
Na sinagot naman ng netizens, “stop the hatred pero bakit puro negative adjectives nakalagay sa caption mo Angel.”
Pagtatanggol pa ng isang netizen, “Lahat may karapatan bumoto kaso hindi lahat nag-iisip. Kaya nga hanggang ngayon di na nakabangon ang Pilipinas. Nasadlak na sa kahirapan. Pero ilang bilyong buwis ang nakukuha natin. Mayaman tayo dapat.
“Imbis na buong bansa ang makinabang napunta na lang sa bulsa ng iilan. Kaya dapat sa mga bobotante wala ng K bumoto! Sabagay sila naman un madalas matokhang at maoplan sita. Balanse lang din!”
(ROHN ROMULO)
-
Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, 2 buwan pa bago ang ‘homecoming’ sa Zamboanga
Nagpaplano na rin ang Zamboanga City para sa isang makabuluhang homecoming o pag-uwi ng Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz. Ito’y kahit aabutin pa ng dalawang buwan bago makauwi sa kanyang hometown ang tinaguriang golden girl. Sa panayam kay Dr. Cecil Atilano, sports coordinator ng Zamboanga City at mentor ni […]
-
Higit 582-M doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines dumating sa Phl
Karagdagang 582,500 na AstraZeneca COVID-19 vaccine doses ang dumating sa Pilipinas ngayong umaga. Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Termina 1 ang mga bakunang ito pasado alas-9:25 ng umaga lulan ng isang China Airlines flight. Ang mga bakunang ito ay binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national […]
-
Chinese nat’ls ang karamihang sangkot sa ‘biggest’ drug busts ng PDEA nuong 2021
INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang 10 biggest anti-narcotics operations nuong 2021 at kalahati ng kanilang operasyon ay kinasasangkutan ng mga Chinese nationals. Batay sa datos na inilabas ng PDEA, sa limang buybust operations, 13 Chinese suspeks ang sangkot kung saan siyam ang napatay sa ikinasang police operations. […]