Nangakong magsisikap pa para sa mga pangarap sa pamilya: HERLENE, ‘di mapigilang maiyak dahil natupad na magkaroon ng sariling sasakyan
- Published on April 4, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI mapigilan ni Herlene “Hipon Girl” Budol na maiyak dahil natupad na ang matagal na niyang hiling na makabili ng sariling sasakyan.
Sa kanyang vlog, mapapanood ang pagbili ni Hipon ng kanyang kauna-unahang brand new car kasama ang manager na si Wilbert Tolentino.
Naging emosyonal si Hipon dahil matagal na raw niyang pangarap ito simula noong madiskubre siya sa programang Wowowin.
Natuwa ang marami sa vlog ni Hipon dahil inuwi pa niya ang malaking symbolic key ng auto shop at katabi pa niya itong natulog. Pinaliguan daw niya muna ang malaking susi bago siya bumalik sa auto shop para makuha ang sasakyan niya.
Iyak-tawa si Hipon noong iabot sa kanya ang susi ng kanyang biniling sasakyan. Hindi raw siya makapaniwala na natupad na ang matagal na niyang gustong makamit.
“Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa pangyayari, mga KaSquammy. Dream come true at para akong nanaginip,” sey pa ni Hipon.
Nangako si Hipon na lalo raw siyang magsisikap sa kaniyang pagtatrabaho para matupad niya ang mga pangarap para sa kanyang pamilya.
Bukod sa pagiging isang vlogger, mapapanood din si Hipon sa bagong romcom ng GMA na False Positive kunsaan kasama niya sina Glaiza de Castro at Xian Lim.
***
BINIGYAN ng early birthday celebration ang Kapuso teen star na si Sofia Pablo ng kanyang Spakle GMA Artist family.
Sweet 16 na si Sofia on April 10 at present sa kanyang advanced birthday celebration ay ang kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay at ang mga taga-Sparkle na sina Ms. Tracy Garcia at Joy Marcelo.
Post ni Sofia on Instagram: “Thank you to my @gmanetwork and @sparklegmaartistcenter family for my advanced Sweet 16th lunch treat!!! And of course! Thank you Aki @itsmeallenansay for being there with me!”
Kaya raw binigyan ng maagang birthday celebration si Sofia dahil magla-lock-in taping na raw ito para sa pagbibidahan na mini-series na Raya Sirena.
Nagsimula bilang isang episode sa Regal Studio Presents ang Raya Sirena last year, ngayon ay 7-epsiode mini-series na siya na mag-launch sa AlFia loveteam nina Sofia at Allen.
Babalikan ang kuwento ni Raya at ang sumpang napunta sa kanya noong magbakasyon siya sa kanilang beach resort sa Casa Elena. Pero ang pagiging sirena niya ay mas malalim pang dahilan kaya sa tulong ng kanyang close friend na si Gavin, marami silang madidiskubre sa kanilang journey of self-discovery.
“Excited na po ako sa gagawin naming ito ni Allen. From being one episode, naging series na po ang Raya Sirena na marami ang nabitin sa kuwento.
“Ngayon po, may buong kuwento na siya at babalik ako sa pagsuot ng mermaid’s tail,” sey ni Sofia na napapanood din sa season 2 ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.
***
KINASAL na ang Kapuso hunk na si Lucho Ayala noong April 2 sa kanyang fiancee na si Emma Rueda.
Naganap ang kanilang garden wedding sa Blue Moon Los Ilustrados Events Place in Silang, Cavite.
Suot ng bride ay bridal gown na designed ni Khristelle Tan samatalang black and white tux ang suot ng groom.
Sa isang video clip, makikitang teary-eyes si Lucho habang pinapanood niyang naglalakad sa aisle ang kanyang bride.
Na-engage ang dalawa noong October 2020. Matagal na raw silang may relasyon at noong magkaroon ng pandemic, nagdesisyon na si Lucho na mag-propose kay Emma.
Ilang araw bago ang kanilang wedding, nilabas nila via social media ang kanilang engagement photos na kinunan pa sa Subic, Zambales.
Huling napanood si Lucho sa mga teleserye na Las Hermanas, The Lost Recipe at Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).
(RUEL MENDOZA)
-
PSC nagpaumanhin sa pamilyang Eala
KLINARO ng Philippine Sports Commission, (PSC) na nagka-misinformation sa P3M na pinansiyal na suporta para kay tennis teen star Alexandra ‘Alex’ Eala, kaya nagpa-erratum sa official Facebook page ang government sports agency nitong Linggo upang maitama ang kamalian. Erratum: “PSC would like to correct previous posting made today of a P3-Mi assistance for Alex […]
-
Pagpasok ng Pfizer sa Hulyo, hindi garantiya na makaka-avail ang lahat – Malakanyang
NGAYON pa lamang ay sinasabi na ng Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok na sa Hulyo ang bakuna sa COVID ng Pfizer sa bansa ay puwede nang maging available ito sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand. Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging reaksiyon ng ilang sektor sa […]
-
Ads January 13, 2020