• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Nangyayari ngayon sa Ukraine isang ‘senseless massacre’ – Pope Francis

TINAWAG na “senseless massacre” ni Pope Francis ang kaguluhang nagaganap ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Ipinahayag ito ng santo papa sa kanyang address at blessing sa St. Peter’s Square kasabay nang paghikayat sa mga pinuno ng international community na lubos na gumawa ng paraan upang pigilan ang kasuklam-suklam na digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Hindi man niya binanggit ang pangalan ng bansang Russia ay inilarawan ng papa ang ginagawa nito bilang isang senseless massacre o walang kabuluhang patayan na nagdudulot ng araw-araw na kalunus-lunos na pagkasawi at kalupitan na paulit-ulit na nararanasan ng mga indibidwal na nadadamay dito.

 

 

Nagpapatuloy pa rin kasi aniya hanggang ngayon ang pambobomba at missiles sa Ukraine kung saan ay nagiging biktima ang mga maraming sibilyan kabilang na ang matatanda, bata, at mga nagdadalang-tao na mga ina.

 

 

Samantala, kamakailan lang ay binisita ni Pope Francis ang isang ospital sa Rome kung saan ginagamot ang mga sugatang bata mula sa Ukraine nang dahil sa sigalot na nangyayari doon.

Other News
  • MARGOT ROBBIE, A FORCE OF DISRUPTION IN “BABYLON”

    TWO-TIME Oscar-nominee Margot Robbie plays Nellie LaRoy, an unknown actress who is trying to get her big break into show business, in Paramount Pictures’ critically acclaimed epic, Babylon. A tale of outsized ambition and outrageous excess, the film traces the rise and fall of multiple characters during an era of unbridled decadence and depravity in early Hollywood.  […]

  • Pagiging incompetent ng pamahalaan, pinalagan ng WHO rep

    PINALAGAN ni WHO Philippines Representative Dr Rabindra Abeyasinghe ang ulat na ang pagsirit ng bilang COVID-19 cases nitong Marso ay bunsod ng walang kakayahan ng pamahalaan na tugunan ito.     Giit ni Abeyasinghe na hindi lang ang Pilipinas ang nakararanas ng pagtaas ng kaso ng Covid 19 kundi maging ang ibang bansa ay nakararanas […]

  • ‘Walang ‘foreign’ DNA sa isinagawang vaginal swab test sa bangkay ni Dacera

    Muling iginiit ng isa sa 11 abogado ng mga respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City na walang nangyaring rape sa insidente.     Ayon kay Atty. Emmanuel Ramos, ang counsel ng respondent na si John Paul Halili sa Dacera slay case, base raw sa dalawang […]