• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napakagaling sa first Fil-Irish production: CHAI, ‘di nagpahuli kina EVA at MARK sa psycho-thriller na ‘Nocebo’

HINDI nagpahuli ang Cebuana actress na si Chai Fonacier kay French actress na si Eva Green British actor na si Mark Strong sa psychological thriller movie na Nocebo (Latin word for “I shall harm”) na hatid ng TBA Studios at EPIC Media na ipalalabas na sa mga sinehan sa Enero 18.

 

 

Muli ngang ipinakita ni Chai ang husay niya sa pag-arte dahil imposibleng ‘di mapapansin ang ginawa niya bawat eksena na binigay sa kanya.  Ayon sa aktres, hindi pa rin daw siya makapaniwalang makakatrabaho niya sa isang international movie ang kapwa mahuhusay na na sina Eva at Mark.

 

 

Napakahalaga ng character na ginampanan ni Chai sa Nocebo ang first Philippine-Irish co-production, at isa nga siya sa tatlong bida, na hindi lang kinunan ang Ireland, pati na rin sa dito sa Pilipinas.

 

 

Sa unang sampung minuto ng movie na dinirek ni Lorcan Finnegan, nagpakita ang character ni Chai sa doorstep ng isang suburban home sa Dublin. Nag-doorbell at nagpakilala bilang Diana, isang Filipino nanny na kinuha para makatulong sa bahay. Si Christine (Eva Green), na isang fashion designer ay ilang buwan nang namomroblema sa kanyang misteryosong sakit at hindi niya ma-recall na nag-hire siya ng isang nanny. Pero dahil sa mga ngiti ni Diana at tipong malaki talaga ang maitutulong, nagpaubaya na lang ito na tanggapin at nahihiya rin ipagtabuyan ang isang immigrant.

 

 

Inamin ni Chai na natutulala siya sa mga eksena at nakalilimutang parte ng pelikulang sinulat ni Garret Shanley.

 

 

“During rehearsals, I would forget that I’m part of the scene, kasi it’s such a joy watch them work,” pahayag niya.

 

 

Naipakita sa pelikula, ang well researched about witchcraft sa Pilipinas, tulad ng pambabarang.

 

 

 

Naka-display nga sa lobby ng Red Cinema ang props na ginamit ni Chai, tulad ng maleta at mga herbal potion, at iba pang gamit na makikita sa pelikula.

 

 

Sa pagkukuwento ni Chai, “The props outside are the actual props that we used for Diana in the film and they were sourced in places like Quiapo, which means they are actual items that practitioners use.”

 

 

Dagdag pa niya, “We also consulted a local shaman about how to handle these things because you’re not going to lose anything, to take extra precautions.”

 

 

Ang Shaman ay tawag sa isang taong may impluwensiya sa mga mabubuti at masasamang espiritu.

 

 

“There was another item where we were instructed specifically not to bring along with us if we’re going to pass by a cemetery.Huwag daw idadaan sa sementeryo.

 

 

“So the production design came in Ireland, ‘Okay, let’s check the routes really quick,’ from the unit base to the location we’re shooting at, and they said ‘We have checked, there are no cemeteries in any of the routes that we’re taking.’”

 

 

Hangang-hanga naman si Chai sa pagtatrabaho sa isang international film.  Grabe raw ang discipline at respeto sa oras ng mga workers.

 

 

Ang aga aga raw nilang natatapos at may isang pagkakataon pa panay daw ang sorry sa kanila ng crew dahil nag-overtime daw sila sa pagso-shoot.  Nang tanungin nya tungkol dito, 15 minutes pa lang pala.

 

 

Inamin din niya nalungkot siya sa di pagkapanalo ni Dolly de Leon sa 80th Golden Globes Awards para sa mahusay nitong pagganap sa ‘Triangle of Sadness’.

 

 

Sa kabila nito ay dapat pa ring ipagdiwang ng mga Pinoy dahil bahagi na si Dolly ng history ng naturang award-giving body.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Paglilinis sa mga illegal parking sa Malabon, pinaigting

    Mahigit 20 na mga sasakyan, kabilang ang mga trailer truck na illegal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada sa Malabon City ang pinaghuhuli ng mga awtoridad sa isinagawang road clearing Opereation.   Ito’y matapos ipag-utos ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano sa lahat ng kanyang sub-station na paigtingin ang road clearing operation kasunod ng mga […]

  • ‘Di threat pag may lumilipat sa GMA: RITA, willing makipag-showdown kay ANGELINE sa kantahan

    SOSOSYO na si Rita Daniela sa chain of restaurants ni Ken Chan, ang Deer Claus Steakhouse and Restaurant.     Ano ang pakiramdam ni Rita na sa unang pagkakataon ay sasabak na siya sa pagne-negosyo?     “Ah masarap sa feeling, masarap sa puso,” bulalas ni Rita.     “Di ba? Tsaka parang… parang I […]

  • ICU ng PGH puno na sa mga batang may COVID-19

    Nasa ‘full capacity’ na kahapon ang COVID-19 intensive care units  ng Philippine General Hospital (PGH) sa mga batang tinatamaan ng COVID-19.     Sinabi ni PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario na mas dumarami ngayon ang mga batang isinusugod sa pagamutan na isang ring COVID-19 referral center, makaraan ang pagdating sa bansa ng mas mapanganib […]