• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasa listahan ng red list sa Pilipinas hanggang October 15

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ipapatupad nila ang resolusyon ng Inter-Agency Council for the Management of Emerging Infections Diseases (IATF) ang updated na listahan ng mga red, yellow at green na mga bansa.

 

 

 

Ang nasabing resolusyon na aprubado ng Malacanang ay ang mga bansa na kabilang sa kategorya na maari at hindi maaring pumasok sa bansa

 

 

 

Ang Bermuda ang tanging bansa na nasa Red List habang may 49 pang bansa ang nasa Green List. Ang nasabing klasipikasyon at mananatili hanggang October 15.

 

 

 

Ang mga bansa na nasa listahan ng Green List ay ang American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China (mainland), Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Falkland Islands (Malvinas), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon    Islands, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu, at Yemen.

 

 

 

Ayon sa resolusyon, ang iba pang bansa na hindi napasama sa listahan ay kabilang na sa Yellow List.

 

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang pagkakaiba ng tatlong klasipikasyon ay “Classified under the yellow list are those countries, jurisdictions, and territories that the IATF deem as ‘moderate risk’,” ayon kay Morente.

 

 

 

Ang mga galing sa Green at Yellow na mga bansa ay kabilang sa mga “allowable classes”, na maari silang pumasok subject sa quarantine at testing protocols, na ipinapatupad ng Bureau of Quarantine (BOQ).

 

 

 

Gayunman sinabi ni Morente na ang mga dayuhan na nagmula sa green at yellow list ay hindi awtomatikong kuwalipikado na pumasok sa bansa.

 

 

 

“Only Filipinos, balikbayans, and foreigners with valid and existing visas that would be coming from countries under the green or yellow list may be allowed to enter the Philippines,” ayon kay Morente.  GENE ADSUARA

Other News
  • Naghiwalay na pagkatapos ng tatlong taon: JASON, ‘di itinago na naging ‘unfaithful’ bilang asawa ni MOIRA

    PAGKATAPOS ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Jason Hernandez at Moira dela Torre.       Hindi inaasahan ng mga tagahanga nila Jason at Moira na aabot sa paghihiwalay ang dalawa dahil noong January 2019 lamang sila kinasal.       Hindi naman itinago ni Jason na naging unfaithful siya bilang asawa […]

  • Navotas sasali sa pilot study ng face-to-face classes

    NAGPAHAYAG ng intesyon ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagsali nito sa pilot study ng face-to-face classes na gagawin sa November 15, 2021.     Ito’y matapos pirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang sulat ni Dr. Al Ibañez, OIC-Assistant Schools Division Superintendent ng lungsod, bilang pagsang-ayon na sumali sa pilot study ng F2F classes.   […]

  • PBBM VOWS TO ESTABLISH MORE KADIWA CENTERS IN THE COUNTRY

    PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has vowed to establish more ‘Kadiwa ng Pangulo’ centers in the country to help local producers earn a higher income by eliminating intermediaries and, at the same time, allow consumers to buy agricultural products and other goods at a lower price. The President made this remark in an interview with […]