Nasa office of the mayor, pero walang balak maging pulitiko… JAMES, ‘di lang aktor sa ‘Family Matters’ supervising producer din
- Published on December 14, 2022
- by @peoplesbalita
MUKHANG mangangabog sa takilya ang ‘Family Matters’ ng CineKo Productions ngayong Pasko, sa pagsisimula nang taunang Metro Manila Film Festival
Mula ito sa blockbuster tandem ng writer na si Mel del Rosario at direktor na si Nuel Nava na nasa likod din ng super mega-hit festival movie na ‘Miracle In Cell No. 7’ na pinagbidahan ni Aga Muhlach noong 2019.
Sa presscon pa lang ay nang1abog at umeksena na nga ang beteranong aktor at aktres na sina Noel Trinidad at Liza Lorena, na in character pa rin sa roles nila sa ‘Family Matters’ bilang mag-asawang senior na pinuproblema at pinagpasa-pasahan ng mga anak.
Siguradong marami ang makaka-relate at tatamaan, tatagos sa puso at magpapaluha sa manonood ng pelikulang sesentro sa pagmamahal sa pamilya.
Kaya naman nang ilabas ng CineKo ang trailer ng movie sa social media, marami ang naantig kaya naman umabot na agad sa 35 million views.
Say nga ni Direk na mas magiging matagumpay ang ‘Family Matters’ sa panahon ng Kapaskuhan… “kung manonood ang mga buong pamilya, then after watching, parang gusto nilang yakapin ang nanay at tatay nila. At kung nagkalayo kayong magkakapatid at matagal nang di nagkikita, parang gusto mo ring yakapin.
“Parang ‘yun mabuo uli ang pamilya. Especially, di ba, two years tayong ‘di nagkita-kita, dahil sa pandemya, maraming pamilya ang nagkahiwa-hiwalay.
“So this time, after watching the movie, maiisip mo na sobrang ko palang nami-miss ang nanay at tatay ko, ‘yun pamilya ko.
“Kaya mas doon ko tinitingnan kesa sa box-office.”
Pero kung mag-hit at humakot ng awards, malaking bonus na ‘yun sa kanila lalo pa nga’t pawang magagaling ang kasama nina Noel at Liza na sina Mylene Dizon, Agot Isidro, Nikki Valdez, JC Santos, Ian Pangilinan at James Blanco.
***
AND speaking of James Blanco (na teenager pa lang ay nakakasama at nakakatsikahan na namin dahil youth-oriented show ng GMA na ‘Click’), hindi lang siya aktor sa ‘Family Matters’ dahil isa rin siya sa supervising producers.
Siya raw ang nag-asikaso sa pagkuha kina Direk Ruel, pati sa productions at technicals ng movie. May isa pa siyang kasama, at malay daw natin, na baka sa next movies ng CineKo ay maging co-producer na rin si James.
At dahil nasa office siya ni Mayor Enrico Roque (para sa investments and properties), may plano rin ba siyang pasukin ang pulitika?
“Hindi, hindi ko kasi kaya maging pulitiko, hanggang sa likod lang ako or maging adviser ng pulitiko. Actually, nasa Office of the Mayor ako ngayon, hanggang doon lang ang kaya ko.
“Pero yung maglingkod, ayoko kasing mabahiran, alam nyo naman ang pulitika, parang sa industriya din natin. Gumawa ka ng mabuti, may masasabi pa rin silang masama.”
Mahigit dalawang dekada na siya sa showbiz at patuloy lang sa paggawa ng movies at mga teleserye, ano ang sekreto niya?
“Pakikisama lang naman ang sekreto dyan,” sagot ng aktor na flawless pa rin at alagang-alaga ang katawan.
“Wala namang iba, habang buhay mong gagawin ‘yun dito sa industriya natin, ang walang tigil na pakikisama.”
Dagdag payo pa niya, “siyempre, ‘wag lalaki ang ulo mo, ano man ang narating mo at gaano ka man katagal sa industriya.”
(ROHN ROMULO)
-
Sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’… NADINE at HEAVEN, makakalaban sina KIM, MAX, JANINE, at ROSE sa pagka-Best Actress
TIYAK na kapana-panabik na naman ang magiging labanan sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa taong ito. Muli ngang magtatapat sa pagka-Best Actress sina Nadine Lustre para sa ‘Greed’ at Heaven Peralejo para sa ‘Nanahimik ang Gabi’. Makakalaban nila sina […]
-
Abalos mas gustong sundin si Año, kaysa kay Roque ukol sa face shield policy
SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mas gugustuhin pa niyang sundin ang posisyon ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Eduardo Año na tuluyan nang ibasura ang polisiya ng sapilitang pagsusuot ng face shield kahit walang approval o pagsang-ayon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of […]
-
Handa nang sumabak sa pagpapa-sexy: ANDREW, nakatanggap din indecent proposal pero ‘di pinatulan
PUMIRMA ng kontrata sa Viva Artists Agency, Inc. at sa VMX, dating Vivamax, ang hunk actor na si Andrew Gan. “Actually, ang pipirmahan po namin is management contract at movie contract. So yung movie contract ko is mix po ng Vivamax at saka ng Viva Films,” sabi ni Andrew. At handa si Andrew […]