National budget para sa rehabilitasyon at restoration ng mga public infrastructure suportado ng Kamara
- Published on July 29, 2022
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ng Kamara ang fund requirements sa national budget para sa rehabilitasyon at restoration ng mga public infrastructure sa mga probinsiyang apektado ng magnitude 7 na lindo sa Northern Luzon.
Pahayag ito ni Speaker Martin Romualdez kasunod na rin sa pagbisita nina Pangulong Bongbong Marcos, Senadora Imee Marcos at iba pang mataas na opisyal sa mga komunidad at biktima ng lindol sa Abra.
Una nang isinuwestiyon ng senadora ang paglalaan ng restoration funds at pagbuo ng ahensiya sa ilalim ng Office of the Presidenlugar na tinamaan ng kalamidad.
“Mr. President, on the part of the House, we shall support the good senator’s proposal here owing to the fact that we’ve always been looking for best practices, and FEMA or even the AFAD in Turkey are great models for best practices for these protocols,” ani Romualdez.
Tinukoy ng Speaker ang Federal Emergency Management Authority ng United States at Turkish counterpart nito.
“We shall also join the good senator from Ilocos Norte on her call to support the budgetary requirements. For the restoration of the heritage and cultural sites as well…as the various infrastructures in the situation report,” dagdag ni Romuealdez.
Gagawin nila aniya ito sa pakikipag-koordinasyon sa mga representante at local officials ng apektadong probinsiya.
Umapela rin ito ng tulong ara sa mga biktima ng lindol.
Hinikayat din nito ang mga kasamahang mambabatas na magsagawa ng sarili nilang damage assessment sa kanilang lugar bilang paghahanda sa susunod na budget hearings. (Ara Romero)
-
PROGRAMA KONTRA POLIO, IPAGPAPATULOY
IPAGPAPATULOY ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization o WHO at United Nationsd Childrens Fund (UNICEF) ang programa kontra polio upang labanan ang poliovirus outbreak sa Pilipinas. Isasagawa sa Mindanao ang susunod na yugto ng programa ng DOH ang “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign na magsisimula sa ngayong July 20 hanggang […]
-
PDu30, umaasang “less fatal” o hindi nakamamatay ang monkeypox kumpara sa Covid-19
UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi magiging “fatal’ o nakamamatay ang monkeypox kumpara sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). Nagkaroon na kasi ng monkeypox outbreak kung saan ay karamihan sa Europa. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, hiniling ni Pangulong Duterte kay Department of Health (DOH) Undersecretary […]
-
Sen. Pacquiao, bagong pangulo ng PDP-Laban party
Pormal ng nanumpa bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao. Sinabi ni PDP-Laban executive Director Ronwald Munsayac, napili rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive vice president ng partido. Si Pacquiao aniya ay naging “acting national president” na bago pa pormal na italaga […]