National fencing team sasabak sa Olympic qualifying sa Uzbekistan
- Published on March 12, 2021
- by @peoplesbalita
Umaasa ang Philippine fencing team na makakabiyahe sila sa Abril patungo sa Uzbekistan para sumabak sa qualifying tournament ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Sumulat na si Philippine Fencing Association (PFA) president at Ormoc City Mayor Richard Gomez kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Lalahok ang mga national fencers sa Olympic Qualifying Tournament sa Abril 26 at 27 sa Uzbekistan kung saan ang mananalo lamang sa bawat kategorya ang makakakuha ng Olympic ticket sa Asian region.
Sa ibang kontinente ay ginamit ng International Fencing Federation ang world rankings para sa pagbibigay ng Olympic berth.
Bilang preparasyon sa Olympic qualifying ay ipinasok ni Gomez ang mga national fencers sa isang ‘bubble’ training sa Ormoc City.
Aasinta ng Olympic slot sina national fencers Jylyn Nicanor at CJ Concepcion sa sabre event, Hanniel Abella at Noelito Jose sa epee at Nathaniel Perez at Samantha Catantan sa foil.
Naglalaro ang 19-anyos na si Catantan, bronze medalist sa women’s individual foil noong 2019 Southeast Asian Games, para sa Penn State University sa US NCAA Tournament.
Si Nicanor ang kumuha ng gold medal sa individual women’s sabre ng 2019 SEA Games at naging bahagi si Abella ng gold medal winning team sa women’s epee.
-
RAVENA PURNADA ANG BL ALL-STAR GAME ‘21
BUNSOD ng pilay sa kamay, hindi na makakabahagi sa B.League All-Star Weekend 2021 si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, sa Adasutria Mito Arena sa Mito City, Ibaraki Prefecture, Japan sa darating na Enero 15-16. Kasama ang 24-anyos, 6-2 ang taas na shooting guard sa B.White team na lalaban sa B.Black squad sa ikalawang araw ng […]
-
Forced Evacuation , ipinag-utos sa mga ‘unreachable areas’ sa gitna ng Marce- DND Chief Teodoro
IPINAG-UTOS sa Local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng forced evacuation sa mga indibiduwal na naninirahan sa mga lugar na hindi maabot ng paghahanda para sa epekto ng Typhoon Marce. “Ang mga municipal mayors at disaster risk reduction officers ay nire-require ng [Department of the Interior and Local Government]: Number one, na mag-forced […]
-
GLAIZA, magko-concentrate sa dalawang international films dahil tapos na ang lock-in taping ng ‘Nagbabagang Luha’
MUNTIK na palang mahimatay si Glaiza de Castro sa isang matinding eksena sa GMA Afternoon Prime teleserye na Nagbabagang Luha. Kinuwento ng aktres na dahil naapektuhan siya sa kinukunang mabigat na eksena, bigla raw siyang hindi makahinga nang maayos. “May isang eksena na hindi talaga ako makahinga. As in naninikip ‘yung […]