• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National govt, mapipilitang gumamit ng puwersa laban sa mga taong magpipilit na ihiwalay ang Mindanao sa Pinas

MAPIPILITAN ang national government na gumamit ng kapangyarihan at puwersa laban sa mga taong magtatangka na ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas gaya ng ipinanawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

“The National Government will not hesitate to use its authority and forces to quell and stop any and all attempts to dismember the Republic,” ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año.

 

 

“Any attempt to secede any part of the Philippines will be met by the government with resolute force, as it remains steadfast in securing the sovereignty and integrity of the national territory,” diing pahayag ni Año.

 

 

Binigyang-diin ni Año ang kahalagahan ng “national unity, security and stability” sabay sabing ang panawagan na dibisyon o paghahatid sa bansa ay “only serve to undermine our collective progress and prosperity.”

 

 

“The strength of our country lies in our unity and any attempt to sow division must be rejected by all sectors unequivocally,” ani Año.

 

 

Si Año ay nagsilbing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

 

“It is imperative for all Filipinos to uphold the principles enshrined in our Constitution which espouses the unity and territorial integrity of our nation. Any suggestion of secession not only runs counter to the Constitution but also threatens to undo the hard-won gains of peace and development, particularly in Mindanao,” ayon pa rin kay Año.

 

 

Noong nakaraang linggo, inihirit ni Digong Duterte ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

 

 

Sa pulong balitaan sa Davao, sinabi ng dating Pangulo na ito ay maisasagawa sa pamamagitan nang pagkalap ng mga pirma.

 

 

Kasabay naman ng panawagan ni Digong dumistansya ang mga senador sa plano na isulong ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • 3 sa 4 na sundalong nasawi sa Sulu shootout, binigyan ng military honors

    Binigyan ng military arrival honors ang tatlo sa apat na sundalo na nasawi sa shootout sa Sulu sa pagdating ng kanilang mga labi sa Villamor Air Base kahapon.   Mismong si Philippine Army Chief, Lt.Gen. Gilbert Gapay ang sumalubong sa mga labi nina Maj. Marvin Indammog, Cpt. Irwin Managuelod, at Sgt. Jaime Velasco.   Habang […]

  • DOT pinutol ang kontrata sa ad firm na gumamit ng ‘stock footage’

    KINANSELA na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa advertising company na DDB Philippines na nasa likod ng inilabas na campaign video sa turismo ng bansa na “Love The Philippines.”     Nag-ugat ito sa pag-amin mismo ng ahensya na gumamit ng “stock footage” sa audiovisual presentation nito sa bagong promotional video na […]

  • THOMAS DOHERTY, THE MYSTERIOUS LORD OF THE MANOR IN “THE INVITATION”

    SCOTTISH actor Thomas Doherty (HBO Max’s Gossip Girl reboot) stars as Walter, the lord of the manor holding court over the wedding events in Columbia Pictures’ terrifying horror-thriller The Invitation. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/cHF2a2XZxUk] In the film, after the death of her mother and having no other known relatives, Evie (Nathalie Emmanuel) takes a DNA test…and discovers […]