• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National Public Transportation Coalition (NPTC), itinatag

SA unang pagkakataon ay nagsama-sama ang iba’t bang grupo sa sektor ng transportasyon upang itatag ang National Public Transport Coalition (NPTC).

 

Mula sa motorcycle-for-hire, tricycles, pampasaherong jeep, UV express, TNVS, taxi, at bus, trucks, at iba pang uri ng public transport, ay nagkaisang susuporta sa bawat isa pagdating sa mga issues na makakaapekto sa kanilang sektor. Common denominator ay ang issue ng pangkabuhayan at ang kapakanan ng mga mananakay.

 

Sa isang nilagdaang manifesto ay pinuna ng grupo ang kaagarang privatization ng mga Motor Vehicle Inspection System (MVIS) kung saan mas prayoridad ang pagiging compliant ng mga sasakyan sa euro 4 kaysa sa roadworthiness ng sasakyan.

 

Niliinaw din ng grupo ang pagsangayon nila sa modernization ng public transport ngunit imbes na isubo sa kanila ang imported na mga sasakyan ay mas mainam na tulungan ng pamahalaan ang mga gawang pinoy na compliant rin naman sa department order ng DOTR.

 

Susuportahan din ng grupo ang bawat laban ng mga kasamang sektor – halimbawa ay ang pag-regulate sa motorcycles-for-hire, roadworthiness ng mga trucks, ruta ng mga tricycles, ang pagtutol sa pagwalis ng mga indibidwal franchise para ang kooperatiba at korporasyon ang mag-may-ari ng franchise, pagtutol sa mga sobrang mahal na mga imported jeepneys at pagsulong sa mga locally-made jeeps, atbp.

 

Nilinaw ng coalition na hindi sasawsaw sa pulitika ang grupo at hindi laban sa pamahalaan ang kanilang stand. Maaring punahin ang mga polisiya ngunit idadaan sa mga dialogues o paguusap muna at mga ligal na paraan.
Sa kabilang banda ay pupurihin din at susuporta ang coalition sa mga pro-public transport at commuter-friendly policies ng pamahalaan at mga public officials. Welcome din ang coalition sa pagsapi ng lahat ng transport groups na kaisa sa nga paniwala at adhikain ng grupo.

 

Umaasa ang coalition na ang pagtatag ng NPTC ay tutugon sa mga problema ng transportasyon patungo sa mas maalwan at ligtas na public transport sa bansa at sa pangangalaga ng hanap-buhay ng mga Pilipino sa public transport. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group

    PINURI  ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila.     Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kur­yente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay […]

  • PDu30, bumisita sa Cardinal Santos Medical Center

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na bumisita si Pangulong   Rodrigo Roa Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa  San Juan para lamang sa kanyang  routine medical check-up.     Hindi naman malinaw kung may kinalaman ang pagbisita ng Pangulo sa nasabing ospital matapos na ma- exposed siya  kamakailan lamang  sa kanyang  household staff na nagpositibo  sa COVID-19. […]

  • Tadtad na naman ng diamonds tulad nang nauna: REGINE, ‘di napigilang ipagmalaki ang pa-birthday na singsing ni SHARON

    KITANG-KITA nga ang kaligayahan ni Megastar Sharon Cuneta na muli niyang nakasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa naganap na presscon para sa pagbabalik ng Iconic concert.     Sa IG post ni Mega, “After 3 long years I finally got to see and spend time with my beloved Nana (Regine) yesterday during the presscon […]