• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nat’l sovereignty sa West Phl Sea, dedepensahan ng gov’t – Defense chief

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na nakahanda ang ang gobyerno na protektahan at depensahan ang national sovereignty ng Pilipinas partikular sa may Julian Felipe Reef.

 

 

Kaugnay pa rin ito sa pagsalakay ng mga Chinese maritime militia vessels sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

 

 

Siniguro rin ng kalihim sa sambayahan na mayroon nang hakbang ang pamahalaan para lutasin ang isyu.

 

 

“I assure our people that we are addressing the situation. We stand by our position calling for the immediate withdrawal of Chinese vessels in the Julian Felipe Reef, which was communicated to the Chinese Ambassador. We are ready to defend our national sovereignty and protect the marine resources of the Philippines,” pahayag ni Lorenzana.

 

 

Ayon sa kalihim, may mga barko na ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard ang ipinadala sa lugar.

 

 

Asahan na rin ang mas maraming barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na magsasagawa ng sovereignty patrols para protektahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.

 

 

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang Department of National Defense (DND) sa iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Coast Guard at Bureau of Aquatic and Fisheries Resources para magsanib pwersa hinggil sa kanilang pagpapatrolya sa West Philippine Sea at ang Kalayaan Island Group (municipality of Pag-asa).

 

 

Sa kabilang dako, kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na nasa 183 Chinese vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef batay sa isinagawang maritime patrol ng Philippine Air Force aircraft sa lugar.

 

 

Binigyang-diin ni Sobejana na hindi nila papayagan na masakop ng China ang Julian Felipe Reef gaya ng ginawa nila sa Scarborough Shoal.

 

 

Aniya, magkatuwang ang AFP, DND at Department of Foreign Affairs para maresolba ang isyu sa Julian Felipe Reef.

 

 

Ayon sa AFP chief, ayaw nila humantong sa military action kaya ginagawa nila ang lahat sa pamamagitan ng diplomatic approach.

Other News
  • DINGDONG at ANGEL, kasama sa tatanggap ng ‘FAN 2021 Cinemadvocates’ ng FDCP dahil sa kontribusyon nila sa Pelikulang Pilipino

    SA ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) magbibigay rin ng special awards  para magbigay-pugay sa mga film stakeholder na may napakahalagang kontribusyon sa industriya at patuloy na nagtatrabaho para sa ikabubuti ng Pelikulang Pilipino.     Ang ‘Cinemadvocates’ ay special segment ng FAN ngayong taon para kilalanin ang […]

  • PBA naghahanda na sa restart

    PINAPLANTSA na ng pamu­nuan ng PBA ang lahat ng kakailanganin sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Governors’ Cup sa unang linggo ng Pebrero.     Wala pang eksaktong petsa na ibinigay ang PBA kung kailan ang resumption ng liga na posibleng maganap sa apat na v­enues na pinagpipiplian.     Ito ay ang  Smart Araneta […]

  • PDu30, gustong palitan ni Roque si Gordon sa Senado

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palitan ni dating presidential spokesperson at senatorial bet Harry Roque si reelectionist senator at Philippine Red Cross (PRC) chairperson Richard Gordon sa Senado.     “I think you should really be in the Senate…Dapat ‘yan kagaya nila Gordon, palitan mo na ‘yan,” ang tinuran ni Pangulong Duterte kay […]