Natuklasang dalawang biyahero na nasa Pinas na may omicron variant, nasa quarantine facilities na –Nograles
- Published on December 17, 2021
- by @peoplesbalita
KAPWA nasa quarantine facilities na ang dalawang byahero na tinamaan ng Omicron variant.
Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ipinaalam na sa Office of the President ang dalawang kaso ng Omicron variant na natuklasan ngayon sa Pilipinas.
“As earlier reported by the Department of Health, the variant was detected among two recent travelers to the Philippines, both of whom are presently in quarantine facilities,” ayon kay Nograles.
Pinuri naman ng Malakanyang ang mga health experts, particukular na ang Department of Health, University of the Philippines – Philippine Genome Center at ang University of the Philippines – National Institutes of Health para sa maaga nilang pagkakatuklas sa dalawang kasong nabanggit.
Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang active case finding at contact tracing para madetermina ang health condition ng mga co-passengers ng confirmed cases.
“This early detection forms part of our Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy that has been in place all throughout the pandemic,” aniya pa rin.
Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang sa publiko na masusing imo-monitor ng gobyerno ang developments ng dalawang kaso bunsod na rin ng umiiral na protocols,
“As we continue to remind the public not to let their guard down, to religiously observe minimum public health standards, and call upon all those unvaccinated to get their jabs as soon as possible,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Seguridad sa inagurasyon ni Pres-elect Marcos, ‘all systems go’ na – PNP
ALL systems go na raw ang seguridad na inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa isang statement, sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Felipe Natividad na ang final security preparation at naisapinal na para siguruhin ang matagumpay at zero casualty maging ng ano […]
-
PATAFA pinirmahan na ang mediation agreement ng PSC
PINATUNAYAN ng athletics association ang kanilang hangaring tuluyan nang plantsahin ang gusot nila kay national pole vaulter Ernest John Obiena. Opisyal nang nilagdaan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang mediation agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) para masolusyunan ang isyu nila kay Obiena. “On behalf of the Board […]
-
Marcos spokes Vic Rodriguez, tinanggap na ang alok bilang next Executive Secretary
TINANGGAP na ni Atty. Vic Rodriguez, ang nominasyon bilang susunod na Executive Secretary, siya ang chief-of-staff at spokesperson ni Presumptive President Ferdinand “Bong Bong” Marcos. Ang anunsiyo hinggil sa nominasyon ni Rodriguez ay inanunsiyo ng kampo ni Marcos ngayong araw sa pamamagitan ng isang statement. Si Rodriguez ay 48-anyos at tinaguriang […]