• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Natupad ang wish na pinag-uusapan: JODI, sobrang happy na kaklase ang anak na si THIRDY

NAPAPANSIN na rin kahit ng mga fans ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards ang sunud-sunod na paggawa niya ng mga projects, movies man o sa television.  

 

 

Simula nga nang gawin niya ang movie na first time nilang pagtatambalan ni Julia Montes na “Five Break-Ups and A Romance,” sinundan niya agad ito ng pagti-taping ng mga episodes ng “Battle of the Judges” na he is the host, with judges Boy Abunda, Atty. Annette Gozon-Valdes, Jose Manalo and Bea Alonzo.

 

Nasundan agad ito ng movie na first time nilang pagsasamahan ni Megastar Sharon Cuneta, ang “A Mother & Son’s Story” na intended for the coming Metro Manila Film Festival 2023.

 

 

Ilang araw na lamang ang shooting nila at matatapos na ang movie na dinidirek ni Nuel Naval sa script ni Mel del Rosario, for CinemaKo Productions.

 

 

Ngayon naman ay nagsimula nang mag-taping si Alden ng “Magpakailanman” drama anthology hosted by Mel Tiangco.

 

 

Tweet ng fan ni Alden, “nakatakdang magbalik for an inspiring and unique episode ang Asia’s MultiMedia Star sa award-winning drama anthology na @MPKGMA.”

 

 

Pero ang sabi, hindi lamang isang episode ang gagawin ni Alden.

 

 

Meanwhile, sa Saturday na, July 15, ang pilot telecast ng “Battle of the Judges,” 7:15 PM, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MARAMING netizens ang humanga sa post ni Jodi Sta. Maria, sa kanyang social media ng “so happy to be your classmate, anak…”

 

 

Kamakailan lamang kasi, nag-post si Jodi na nag-graduate na sa senior high school ang anak na si Thirdy (with partner Pampi Lacson).

 

 

Jodi shared to her followers na magkaklase sila ngayon ni Thirday sa culinary class nila sa Center for Asian Culinary Studies.

 

 

Makikita sa post ang mga photos nilang mag-ina, kasama ang iba nilang classmates habang nagbi-bake.   Matagal na pala nilang pinag-usapan na sana raw maging magkaklase sila sa school.

 

 

Kaya kasama sa caption ni Jodi: “dati pinag-uusapan lang natin na sana maging classmates tayo and today that happened.  So happy to be your classmate anak. Always here to support you every step of the way.”

 

 

Umani naman ng positive comments ang post ni Jodi mula sa kanyang mga followers. Tamang-tama namang natupad nina Jodi at Thirdy ang wish nilang magkasamang mag-aral, dahil free na si Jodi from work since tapos na niya ang taping ng “Unbreak My Heart,” ang biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN at Viu, na gabi-gabing napapanood sa GMA-7 at 9:30p.m.  Patuloy na tumataas ang rating ng serye na nagtatampok din kina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap and other Kapuso and Kapamilya stars.

 

 

***

 

 

IPINAKILALA na sa story conference ng GMA Public Affairs  ang cast na bubuo sa bagong action series na “Black Rider” na pinangungunahan ni Ruru Madrid at ng bagong Kapuso actor and TV host na si Matteo Guidicelli.

 

 

Lahat-lahat ay 28 actors ang bubuo sa main cast at ang kapuna-puna rito, marami sa kanila ay muling magbabalik sa pag-arte, tulad ni first StarStruck graduate na si Rainier Castillo.

 

 

Nagbabalik-Kapuso rin si Raymart Santiago, at matagal-tagal na ring hindi napapanood sa GMA sina Rio Locsin, Roi Vinzon, Almira Muhlach, Raymond Bagatsing.

 

 

Ilan pa rin sa bubuo ng cast sina Katrina Halili, Gladys Reyes, Zoren Legaspi at mga Sparkle GMA Artists.  Secret pa raw kung sinu-sino ang mga leading ladies nina Ruru.

 

 

Naka-schedule ang airing ng “Black Rider” before the year ends sa GMA Primetime.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • FAVORITE K-ACTORS CAST LED BY DON LEE IN THE HYPER ACTION-COMEDY ‘THE ROUNDUP: PUNISHMENT’

    THE Roundup: Punishment follows three years after the synthetic drug case roundup in Korea, beast cop Ma Seok-do (Don Lee) and Metro Investigations are busy chasing down criminals who are dealing drugs through a delivery app, when the app distributor is found dead overseas. The team soon realizes that this case involves a huge illegal […]

  • Mga panukala at rekomendasyon ng NEDA, posibleng pagbigyan ni PDu30

    PARA maisalba ang mga Filipino sa pagkagutom at paghihirap ay posibleng pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.   Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay inirekomenda kasi rin ni Acting […]

  • China nagpadala ng 27 barko sa West Philippine Sea

    HINDI bababa sa 27 barko ang ipinadala ng China sa West Philippine Sea (WPS) na isang “major maritime militia rotation”, ayon sa isang maritime security expert.     Ipinadala ang nasa 27 barko ilang araw matapos magkasundo ang Pilipinas at China na bawasan ang tensyon sa rehiyon sa pamamagitan ng diplomasya.     Napaulat na […]