NAVOTAS, DOST, TUP LUMAGDA SA MOA SA PAGPAPAHUSAY SA SOLID WASTE MANAGEMENT
- Published on July 11, 2024
- by @peoplesbalita
LUMAGDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan ng Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Department of Science and Technology (DOST), at Technological University of the Philippines (TUP), sa isang memorandum of agreement na naglalayong pahusayin ang solid waste management sa urban waterways sa pamamagitan ng deployment ng Aqua Trash Collector Bot (AQUABOT).
Ang AQUABOT, na binuo ng TUP at pinondohan ng DOST, ay isang remote-controlled na sisidlan na idinisenyo para sa mahusay na koleksyon ng solid waste sa maliliit na anyong tubig, tulad ng mga sapa at mga kanal.
Makakakolekta ito ng hanggang 20 kilo ng basura kada oras, na makabuluhang nagpapataas sa kapasidad ng lungsod na mapanatili ang mga daluyan ng tubig nito.
Sa ilalim ng kasunduan, isang AQUABOT unit ang ilalagay sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan.
Hindi bababa sa 20 indibidwal ang makakatanggap din ng espesyal na pagsasanay upang mapatakbo at mapanatili ang AQUABOT nang epektibo.
Kasama sa mga lumagda sa MOA sina Mayor John Rey Tiangco, Punong Barangay Domingo Elape ng NBBS Dagat-dagatan, DOST-NCR Regional Director Engr. Romelen Tresvalles, at TUP Taguig Campus Director Dr. Rexmell Decapia, Jr.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Tiangco ang kahalagahan ng partnership na ito sa pagtugon sa mga hamon ng solid waste management sa Navotas.
“Proper solid waste management is crucial for the health and well-being of our community and the preservation of our environment. The deployment of the AQUABOT represents a concrete step towards cleaner waterways. I urge every Navoteño to support this initiative and take an active role in keeping our city clean and sustainable,” aniya.
“Our city, our home. Let’s cherish and protect it by ensuring cleanliness, sustainability, and community involvement. Together, we can make Navotas a model of urban stewardship and pride,” dagdag niya. (Richard Mesa)
-
Desidido nang kasuhan para makamit ang hustisya: GERALD, gumaan ang loob nang pinangalanan ang nang-abuso sa kanya
BUMALIK ang singer-actor na si Gerald Santos sa Senado kahapon, July 27, para sa pagpapatuloy ng hearing tungkol sa “Policies of Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment”. Pinangungunahan ito nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada. Muli ngang […]
-
PDu30, kailangan din na maging malaya na magdesisyon ukol sa community quarantine classifications
KAILANGAN ding bigyan ng kalayaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdesisyon hinggil sa community quarantine classifications na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa bansa nang walang pressure mula sa publiko. Muling inulit ni Presidential spokesperson Harry Roque ang kanyang apela sa OCTA research group na panatilihing pribado ang kanilang quarantine recommendations. “It […]
-
4 na bakuna na maaaring gamitin bilang 3rd dose o booster shot, aprubado na ng FDA
APRUBADO na ng Food and Drug Administration (FDA) ang EUA amendment ng 4 na bakuna na maaaring gamitin bilang 3rd dose o booster shot. Sinabi ni FDA Director General Usec. Eric Domingo may “basbas” na para gamitin bilang 3rd dose o booster shot ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V. Kasama sa mga […]