• December 6, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, kailangan din na maging malaya na magdesisyon ukol sa community quarantine classifications

KAILANGAN ding bigyan ng kalayaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdesisyon hinggil sa community quarantine classifications na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa bansa nang walang pressure mula sa publiko.

 

Muling inulit ni Presidential spokesperson Harry Roque ang kanyang apela sa OCTA research group na panatilihing pribado ang kanilang quarantine recommendations.

 

“It was an appeal to them that the President should be given the leeway to decide, to make the correct decisions without being influenced by public opinion,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Of course, you generate public opinion if you publicly make known your recommendations. Of course, we cannot stop them but it was an appeal to them after I express our appreciation for what they have done,” ang pahayag nito

 

Sa ulat, sinabi ni OCTA research team member Guido David na kinukunsidera nila ang kanilang policy recommendations bilang bahagi ng public service.

 

Giit nito na hindi sila binabayaran ng pamahalaan para gawin ito.

 

Madalas na gumagawa ang Pangulo ng kanyang desisyon ukol sa pagtugon sa COVID-19 kabilang na ang pagpataw o pagpapairal ng lockdown, base sa inputs ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infec- tious Diseases (IATF), na pinamumunuan ni Health Secretary Francisco Duque III.

 

Nauna rito, hinikayat ng Malakanyang ang mga eksperto ng University of the Philippines na iwasan ang pagsasahimpapawid ng kanilang mga suhestiyon hinggil sa pandemic lockdowns at sa halip ay iparating ang mga ito “privately” sa mga awtoridad.

 

Ang OCTA Research team ay kinabibilangan ng mga eksperto mula sa University of the Philippines at University of Santo Tomas na mayroong regular projections sa coronavirus infections sa bansa at mayroong “1 or 2 epi- demiologists which is not the same number of experts” na nakikipag-ugnayan sa inter- agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya.

 

“I wish they would refrain from making these recommendations publicly. They can probably endorse or course their recommendations privately to the IATF, nang hindi naman po napapangunahan, highlighting the fact that classifications are normally announced by no less than the President himself,” ayon kay Sec. Roque.

 

“If the IATF itself does not make public its recommendations to the President, sana the OCTA team— and this is really an appeal para hindi nagkakagulo (so that there will be no confusion)— can also course their recommendations to the IATF privately,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa kamakailan lamang na rekumendasyon ng OCTA group na ilagay ang bahagi ng Bauan, Batangas, Calbayog, Western Samar, at General Trias, Cavite sa ilalim ng stricter lockdowns.

 

Samantala, pinayagan naman ang mga provincial governors na magdesisyon sa lockdowns sa kani-kanilang bayan kasama ang kanilang regional IATFs. (Daris Jose)

Other News
  • KRIS, grateful na nagkabati at pinatawad siya ni NOYNOY bago ito pumanaw; DINGDONG, nag-post ng pasasalamat sa dating Pangulo

    NAG-POST sa kanyang IG account ng pasasalamat si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa nakagugulat na pagpanaw ng dating Pangulo na si Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong Huwebes ng umaga, Hunyo 24.     Ayon kay Dingdong na naging malapit kay PNoy, “President Noy was a champion of youth development. He headed the Philippine Delegation […]

  • PDu30, inirekomenda sa susunod na Pangulo na agad na simulan ang pagpapatawag ng constitutional convention

    INIREKOMENDA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa idedeklarang ika-labing pitong Pangulo ng Pilipinas na atupagin ang constitutional convention.     Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes ay sinabi ng Chief Executive na kailangan na talagang gawin ang nasabing hakbang at nakikita niyang may demand nang palitan ang konstitusyon.     Sinabi nito […]

  • Sa sobrang init: Mamalagi sa bahay – PAGASA

    Dahil sa sobrang init ng panahon, hinikayat ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at mamalagi lamang sa loob ng tahanan dahil aabutin ng 38 degrees Celsius ang heat index.     Ayon kay weather forecaster Chris Perez, nitong nagdaang linggo ay nakaranas ang Metro Manila ng maximum temperature na 34.8 degrees Celsius pero aabutin ang […]