NAVOTAS MAGHIHIGPIT SA MGA PAPASOK NA BIYAHERO
- Published on July 9, 2021
- by @peoplesbalita
PARA panatilihin ang kaligtasan ng mga konstituwents mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagpatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng paghihigpit sa mga papasok na biyahero na magmumula sa labas ng NCR Plus.
Ang paghihigpit ay applies sa essential at non-essential travels ng mga indibiduwal na magmula sa mga lugar sa labas ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.
Ang bibisita sa Navotas ay kailangan magparehistro sa s-pass.ph at magsumite ng mga dokumento tulad ng health declaration o medical certificate mula sa health office ng kanilang lugar na pinagmulan na nagpapatunay na ang mga biyahero ay hindi COVID patients o pinaghihinalaan o maaaring may kaso.
Kailangan din nilang magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR swab test, isang barangay cetificate na nagsasaad na hindi sila kinakailangang sumailalim sa quarantine o nakumpleto na ito, at ang buong address ng kanilang pupuntahan sa Navotas.
“The travel restriction is a precautionary measure to ensure that we will not suffer again another surge of COVID cases. We saw an influx of cases and high transmission rates in places outside of NCR Plus. We need to implement additional safeguards to keep our people safe,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ayon sa report ng OCTA Research, ang Navotas ay nakapagtala ng mababang number ng bagong kaso kada araw noong June 25 – July 1 kabilang sa Metro Manila cities.
Hanggang July 6, ang Navotas ay may kabuuang 11,088 COVID-19 cases, 10,619 ang mga gumaling.
-
Sinabihang ‘banong umarte’ sa mismong kaarawan: DAVID, aminado na apektado ‘pag naba-bash ang acting
AMINADO naman si David Licauco na kapag naba-bash ang acting niya ay apektado siya. Lahad ni David, “Siguro pag bina-bash ang acting ko. Dun ako naba-bad trip. Minsan gusto kong mag-reply. “Pero siyempre, e, entitled naman sila sa opinions nila, e. “Pero OK lang naman sa akin. Sa totoo lang, immune na […]
-
‘Never-say-die spirit’ buhay na buhay – Cone
MARAMI ang nag-akalang hindi maidedepensa ng Barangay Ginebra ang kanilang korona dahil sa pagiging No. 6 team matapos ang elimination round at ilang injuries sa mga key players. Ngunit noong Biyernes ng gabi ay muling tinalo ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa championship series para pagharian ang PBA Governors’ Cup sa ikaapat […]
-
Tauhan ng Sayaff, tiklo sa Kyusi
ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa lungsod, kahapon (Miyerkoles) ng umaga. Kinilala ang suspek na si Adzman Tanjal, 32, may asawa, tubong Sabah, Malaysia at nakatira sa Libyan St., Salaam Compound, Barangay […]