• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH AYUDA SA BARANGAY HEALTH WORKERS

Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong cash na nagkakahalaga ng P1.04 milyon sa mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).

 

Nasa 208 barangay health workers, na nagbigay ng kanilang serbisyo ng hindi bababa sa tatlong buwan ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa bisa ng City Ordinance No. 2020-40.

 

“Mula noong unang araw ng pandemya, ang aming mga barangay health workers na ipinagsapalaran ang kanilang buhay upang mapanatili tayong malusog at ligtas. Napakahalaga sa paglaban natin sa COVID-19,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

“Ang cash assistance na kahit kaunti kumpara sa kanilang mga sakripisyo, ay aming paraan ng pagkilala at pagbibigay ng gantimpala sa kanilang matatag na serbisyo. Inaasahan din naming gagawing mas maganda ang kanilang Pasko,” dagdag niya.

 

Nauna rito, ang Navotas ay nagsimula na din mamahagi ng Christmas hams sa lahat ng mga residente.

 

Sa 89,650 target family-beneficiaries, 22,738 na ang nakatanggap ng kanilang “Pamaskong Handog” mula sa pamahalaang lungsod hanggang December 18. (Richard Mesa)

Other News
  • Paggamit ng face shield iminungkahi ni Duterte na ibalik vs Omicron variant

    Muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield bukod sa pa sa face mask dahil sa banta ng Omicron coronavirus variant.     Sa kaniyang “talk to the people” nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga […]

  • Nanawagan na kilatising mabuti ang pulitikong iboboto: ANGEL, kalmadong sinagot ang paratang ng isang basher at ‘di dapat mag-away-away

    SUPER react na naman ang netizens at matatapang ang kanilang komento sa IG post ni Angel Locsin na may art card na kulay pula at nagsusumigaw na ‘Never Again!’     May caption ang kanyang panawagan sa sambayanang Pilipino na, “Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward. […]

  • PBBM, nangakong walang mawawalan ng hanapbuhay sa PUV modernization

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na titiyakin ng pamahalaan na walang driver ang mawawalan ng hanapbuhay at pangkabuhayan sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.     Isa aniya sa concerns ng transport group  na inilahad sa meeting sa Malakanyang sa gitna ng tigil-pasada ay ang kawalan ng kakayahan ng […]