Navotas nagkaloob ng tax refund
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
Nagbigay ng tax refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nagkaroon ng karagdagang multa dahil sa huling pagbabayad matapos na dalawang beses nang magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng lokal na buwis.
Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 na nagkakaloob ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng surcharges, penalties at interes sa lahat ng lokal na buwis at bayarin na due at na-assess noong Setyembre September 14, 2020 hanggang sa petsa ng pagiging epektibo ng ordinansa.
“Most of our constituents are still reeling from the economic impact of the COVID-19 pandemic. We want to ease their burden and help them in every possible way,” ani Tiangco.
Ang mga taxpayers na may makukuhang tax refund ay maaaring makipag-ugnayan sa City Treasurer’s Office sa ikalawang palapag ng Navotas City Hall.
Ang City Ordinance 2020-45 ay alinsunod sa Department of Finance Circular No. 003-2020, kung saan nakasaad na “payment of all local taxes, fees and charges falling on or after September 14, 2020 shall be extended until December 19, 2020 without interest, surcharge or penalty.
Nauna rito, ipinasa sa Navotas ang City Ordinance No. 2020-25 at 2020-35 na nagpapaliban sa pagbabayad ng real property tax, business tax, at transfer tax. (Richard Mesa)
-
Beli Bell, Bishop Blue pinagtalunan sa 2020 PHILRACOM
NAGDISKUSYON ang dalawang panatiko ng karera para sa nakatakda sa Marso 15 na 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Three-Year-Old Maiden Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Caromona, Cavite. Halos mag-umbagan na sina Crisostomo Arguelles at Eugene Quiltan na parehong unang softdrinks sa isang tindahan na malapit sa dating karerahan sa Maynila. Para […]
-
Walang fare matrix, walang taas singil sa pasahe – LTFRB
IPINAALALA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator / drivers ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa lalo na sa Metro Manila na hindi maaaring maningil ng taas pasahe hangga’t walang nakapaskil na fare matrix. Kaugnay ito sa pagsisimula ng taas pasahe nitong Lunes sa mga pampublikong sasakyan. […]
-
Pagbati, bumuhos para kay Magsayo, matapos ang 2nd-round KO vs Ecuador fighter
Bumuhos ang pagbati kay Mark “Magnifico” Magsayo sa pagsasara niya ng taong 2024 sa isang impresibong laban. Ito’y matapos mapasakamay niya via second-round TKO ang panalo laban kay Bryan Mercado ng Ecuador sa Long Beach, California. Pinabagsak ni Magsayo si Mercado ng apat na beses gamit ang mga left […]