• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas nagkaloob ng tax refund

Nagbigay ng tax refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nagkaroon ng karagdagang multa dahil sa huling pagbabayad matapos na dalawang beses nang magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng lokal na buwis.

 

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 na nagkakaloob ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng surcharges, penalties at interes sa lahat ng  lokal na buwis at bayarin na due at na-assess noong Setyembre September 14, 2020 hanggang sa petsa ng pagiging epektibo ng ordinansa.

 

“Most of our constituents are still reeling from the economic impact of the COVID-19 pandemic. We want to ease their burden and help them in every possible way,” ani Tiangco.

 

Ang mga taxpayers na may makukuhang tax refund ay maaaring makipag-ugnayan sa City Treasurer’s Office sa ikalawang palapag ng Navotas City Hall.

 

Ang City Ordinance 2020-45 ay alinsunod sa Department of Finance Circular No. 003-2020, kung saan nakasaad na “payment of all local taxes, fees and charges falling on or after September 14, 2020 shall be extended until December 19, 2020 without interest, surcharge or penalty.

 

Nauna rito, ipinasa sa Navotas ang City Ordinance No. 2020-25 at 2020-35 na nagpapaliban sa pagbabayad ng real property tax, business tax, at transfer tax. (Richard Mesa)

Other News
  • “PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE” BOW-WOWS AT NO. 1 AT THE U.S. BOX OFFICE, OPENS OCTOBER 11 IN PH

    PAW Patrol: The Mighty Movie is top dog!   The sequel about everyone’s favorite mighty pups debuted at the top of the U.S. box office over the weekend with $23 million, bringing its worldwide total to $46.1 million – a mighty achievement given that the movie has opened at just 53% of the worldwide market. […]

  • ‘Di pa hinog comment vs Sotto, pinalagan

    HINDI nagustuhan ni 6x PBA champion Ali Peek ang tila panlalait ng ESPN draft expert na si Jonathan Givony sa Filipino NBA prospect na si Kai Sotto.   Nagtengang kawali naman si Ali at sa sobrang pagkairita ay ‘di nito napigilang mag-react sa social media. @mtnpeek: “What reality check? This is his first time right? […]

  • Kahit naka-focus sa kanyang launching series: HERLENE, desidido na talaga sa pagsali sa ‘Miss Grand Philippines 2023’

    SASALI muli si Herlene Budol sa isang beauty pageant!     Ayon kay Herlene ay ito na ang tamang panahon na sumali siyang muli sa beauty pageant sa pamamagitan ng Miss Grand Philippines 2023 matapos mag-withdraw sa Miss Planet International 2022 nang makaranas ng samu’t saring aberya.     “Pag pinatagal ko pa, baka makalimutan […]