NAVOTAS NAITALA ANG MAS MABABANG KASO NG COVID-19
- Published on May 18, 2021
- by @peoplesbalita
SA loob ng tatlong magkakasunod na linggo, muling nakapagtala ang Navotas city ng pinakamababang kaso ng COVID-19 kada araw.
Ayon sa OCTA Research Group, mula 12.36 average daily attack rate (ADAR) sa April 25-May 1 at 7.2 sa May 3-9, bumulusok ang ADAR ng lungsod sa 5.99 nitong May 9-14.
“We thank everyone for their contribution to our fight against COVID-19–our frontliners, for their steadfast service in spite of the dangers and challenges their profession entails, and all residents and workers in the city, for their cooperation and support to our policies and programs,” ani Mayor Toby Tiangco said.
“Our declining ADAR shows that the policies we implemented have been effective in protecting our people from COVID-19 and in preventing further transmission of the virus. These include the use of quarantine bands for COVID-positive patients and their close contacts, and the swab test requirement for those who violated the safety health protocols,” dagdag niya.
Gayunman, binalaan ni Tiangco ang mga Navoteño na panatilihin ang kanilang pagbabantay at patuloy na isagawa ang minimum health standards.
“Aside from following our safety protocols, have yourself vaccinated if you are 18 years old and above. This week you can choose whether you want AstraZeneca or Pfizer-BioNTech vaccines for your first dose,” sabi pa ng alkalde.
Maaaring magparehistro ang mga residente at mga mangagawa sa lungsod na edad 18 pataas sa libreng COVID vaccines sa http://covax.navotas.gov.ph/. (Richard Mesa)
-
Call center agent tumalon mula sa 3rd floor ng bahay, patay
NASAWI ang 22-anyos na dalagang call center agent matapos umanong tumalon mula sa bubong ng kanilang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Sa report ni police investigator PSSg Reysie Peñaranda kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Brgy. San […]
-
2nd hat-trick dinale uli ni De los Santos
MULING umiskor si Orencio James Virgil ‘OJ’ de los Santos sa pangalawang sunod na pagkakataon na Manalo ng tatlong gold medal sa isang araw lang sa buwang ito sa mga online karate tournament para upang sementuhan ang pagiging world No. 1 e-kata karateka. Pinananalunan nitong Disyembre 21 ng gabi ng 30 taong-gulang, may taas […]
-
500 persons/ staff ng NBA na inilagay sa isolation
NAPAKALAKING sakit din daw sa ulo ng NBA organization ngayon ang nasa mahigit 500 mga staff na isinailalim sa quarantine bunsod ng COVID pandemic. Ang naturang bilang ay mula sa mahigit 2,500 na mga staff. Kasama sa mga staff na inilagay sa safety at health protocols ay mga equipment managers, video […]