NAVOTAS, NASUNGKIT ANG PANG-APAT GAWAD KALASAG SEAL
- Published on December 13, 2024
- by @peoplesbalita
MINARKAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na minsan nang nakilala bilang Beyond Compliant sa Gawad KALASAG Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at Humanitarian Assistance matapos masungkit nito ang pang-apat na prestigious award.
Itinampok ng Kalasag seal ang pambihirang pagsisikap ng lungsod sa pagpapatupad ng mga proactive disaster risk reduction strategies at pagbibigay ng mahahalagang tulong sa panahon ng disasters at emergencies.
Ipinahayag naman ni Mayor John Rey Tiangco ang kanyang pasasalamat at pagmamalaki para sa parangal na iniuugnay sa collective efforts ng pamahalaang lungsod, local stakeholders, at Navoteños.
“This award reflects our unwavering commitment to building a safer and more resilient Navotas. We dedicate this achievement to every Navoteño who continues to work hand-in-hand with us in fostering disaster preparedness and community resilience,” pahayag ni Mayor Tiangco.
Ang Gawad KALASAG Search for Excellence in DRRM and Humanitarian Assistance ay ang pangunahing programa ng pagkilala sa bansa para sa mga stakeholder na mahusay sa disaster preparedness, climate change adaptation, at humanitarian initiatives.
Ang Qualified entries para sa Gawad KALASAG Seal ay sumailalim sa isang mahigpit na proseso ng pagsusuri na isinagawa ng inter-agency Regional Validation Committee and Regional Selection Committee mula June hanggang August 2024. (Richard Mesa)
-
Pagtaas ng pasahe sa MRT-3, hindi maiiwasan – DOTr
HINDI umano maiiwasan ang pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahit pa hindi ito maisapribado. Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez kasunod ng pangamba ng ilan na tataas ang pasahe ng MRT-3 kung matutuloy ang planong isapribado ang operasyon at maintenance nito. […]
-
Pinas ‘di pa handang magtanggal ng face masks – experts
HINDI pa kumbinsido ang health experts sa bansa na magtanggal na ng face masks ang publiko dahil wala pang sapat na “armamentarium” sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Ayon kay Rontgene Solante, head ng San Lazaro Hospital’s Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit, sa pagtingin ng mga lokal na eksperto, hindi pa panahon […]
-
PETISYON NG ABS-CBN, IBINASURA NG SC
IBINASURA ng Supreme Court En Banc session,ang isinampang petition for certiorari and prohibition with appication for Temporary Restraining Order and injuction na isinampa ng ABS-CBN Corporation laban sa kautusan ng National Tele Commujication Commission (NTC). Sa ipinalabas na resolusyon,sinabi ng SC dahil sa ginawang pagtanggi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga nakabinbin na […]