• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas sasali sa pilot study ng face-to-face classes

NAGPAHAYAG ng intesyon ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagsali nito sa pilot study ng face-to-face classes na gagawin sa November 15, 2021.

 

 

Ito’y matapos pirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang sulat ni Dr. Al Ibañez, OIC-Assistant Schools Division Superintendent ng lungsod, bilang pagsang-ayon na sumali sa pilot study ng F2F classes.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, 45 na mga senior high students ang kasali rito sakaling aprubahan ito ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).

 

 

“Nagmeeting na rin po tayo kasama ang mga concerned offices tungkol dito. Napagkasunduan natin na dapat bakunado ang mga batang kasali sa face-to-face classes kaya bibigyan ng prayoridad sa pagbabakuna ang mga papasok sa F2F classes,” pahayag ni Tiangco.

 

 

Aniya, tandaan lamang na voluntary ang pagbabakuna at depende ito sa desisyon ng bata at ng kanyang magulang o guardian at para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro, mga bakunado lang muna ang papayagan pumasok. (Richard Mesa)

Other News
  • OCTA suportado ang mungkahing ‘wag gawing requirement ang pagsuot ng face shield sa sinehan

    Suportado ng OCTA Research group ang mungkahi na huwag nang gawing requirement ang pagsusuot ng face shields sa loob ng mga sinehan.     Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi makakapag-enjoy ang isang tao sa panonood ng pelikula sa loob ng sinehan kung oobligahin ang mga ito na magsuot ng face shield. […]

  • E-tap Loading Kiosks available na sa LRT1

    Ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang private operator ng Light Rail Transit Line 1 ay naglagay ng mga e-tap loading kiosks sa mga stations bilang bahagi ng pagbibigay ng mas ligtas at kumbienteng paglalakbay ng mga pasahero.     Mayron 65 na e-tap loading stations ang nailagay sa mga LRT 1 stations mula […]

  • Belmonte nagapela na buksan ang 2 intersections sa EDSA

    Nagapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga ahensiya ng national government na buksan ang dalawang (2) intersections na sinara sa kahabaan ng ESA upang mabawasan ang traffic sa nasabing major highway.   Nagpadala ng isang sulat si Belmonte sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Franchising and […]