NAVOTEÑO SOLO PARENTS TUMANGGAP NG BUWANANG CASH SUBSIDY
- Published on April 23, 2024
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.
Nasa 381 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. Nag-iiba ang halaga depende sa buwan ng aplikasyon o pag-renew ng kanilang 2024 solo parent identification card.
Ipinatupad ng Navotas ang pamamahagi ng subsidy sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2023-40, na tinustusan sa pamamagitan ng Gender and Development Fund.
Sa ilalim ng ordinansa, kwalipikadong tumanggap ng P1,000 buwanang cash subsidy mula sa pamahalaang lungsod ang mga rehistradong solo parents na kumikita ng minimum wages pababa.
“We encourage Navoteño solo parents to register with our city social welfare office to qualify for the program. This year, we have allotted enough funds to provide monthly subsidy to 500 beneficiaries,” pahayag ni Mayor John Rey Tiangco.
“Raising children is never easy and doing it all by yourselves double the challenges and difficulties. We hope this amount can help ease at least a little of your burdens and bring smiles to you and your kids,” dagdag niya.
Upang maging kuwalipikado para sa programa, ang mga Navoteño solo parent ay dapat magkaroon ng updated na solo parent ID na na-verify ng City Social Welfare and Development Office; dapat kumita ng hindi hihigit sa minimum na sahod; at hindi dapat nakalista bilang benepisyaryo ng anumang cash assistance program mula sa pambansang pamahalaan o non-government organizations, kabilang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay din sa mga indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year.
Ang Expanded Solo Parents Welfare Act ay nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga rehistradong solo parents kabilang ang P1,000 buwanang subsidy, 10% discount at VAT exemption, 7-araw na parental leave na may bayad, priority sa mga scholarship program at grant, automatic Philhealth coverage, at iba pa. (Richard Mesa)
-
Haponesa sasawatain si Saso
KAKASAHAN si Yuka Saso ng Pilipinas nG 16-time Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) champion na si Ai Suzuki ng Japan para hindi maparehasan ang three-straight title mark niya sa mayamang liga. Maski ang iba pang mga kasali kaparehas ang misyon ng Japanese laban sa 19-year-old na Fil-Jap sa paghampas ngayong Biyernes (Setyembre 4) […]
-
PSC: PAGPILI NG ATLETANG PINOY, SASALANG SA KOMITE
BINUO ang Review Committee para mangasiwa sa pagpili ng Philippine Sports Hall of Fame member ngayong taon. Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, malaki ang tulong na naibibigay ng mga sports media practitioners sa gagawing selection process. “It is for this reason that the PSC, for the longest time, […]
-
Confident na na-meet ang expectations sa kinalabasan ng ‘Start-Up PH’: BEA, very thankful and flattered sa mga papuri ni ALDEN
CONFIDENT si Alden Richards na na-meet ang expectations nila sa kinalabasan ng Philippine version ng Start-Up. Kahit daw hindi naman siya nakakapanood ng playback during the taping pero based sa trailer ng Start-Up ay they have a good show. “We have something that we are very proud of. Hindi naman natin […]