NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus
- Published on June 12, 2020
- by @peoplesbalita
Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus.
Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics.
Kasama ang US sa walong koponan na naka-qualified na sa 12-team men’s tournament sa Tokyo Olympics.
Matatandaang noong 2016 Rio Olympics ay mayroong 46 NBA players ang lumahok mula sa mga bansang kanilang-pinagmulan pero ngayon pinangangambahang mababawasan ito dahil sa takot sa coronavirus pandemic.
Base sa statement ng Tokyo Olympics, target nilang maging simple na lamang ang mga laro matapos na ito ay mailipat mula sa 2021 mula Hulyo 2020.
-
Ads January 7, 2022
-
Dahil ayaw magpa-kiss sa eksena nila ni David: BARBIE, natawa sa nam-bash na ‘di siya magaling na aktres
NAKAKATAWA ‘yung na-bash si Barbie Forteza na dahil hindi siya nakikipag-kissing scene kay David Licauco sa ‘Pulang Araw’ ay hindi na raw mahusay na aktres si Barbie. Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ’24 Oras Weekend’ una muna ay sumagot sina Barbie at David ng mga questions tungkol sa bawat […]
-
Mungkahi ni Joseller Guiao
ISYU para kay Joseller ‘Yeng’ Guiao ang planong mala-National Basketball Association (NBA) style bubble ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa restart sa mid-October. Iginiit niya sa isang talakayan nitong isang araw, na puwedeng magkaproblema sa isipan ang mga papasok roon sanhi sa pagkainip ng mga manlalaro ng propesyonal na liga kapag pinagpatuloy ang […]