NBI, inatasan ni PDu30 na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa nangyaring shootout sa QC
- Published on March 1, 2021
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring shootout sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa binuong joint panel ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na itigil na ang isinasagawa ng mga itong imbestigasyon.
“This is to ensure impartiality on the Quezon City shootout incident,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, dalawang pulis at dalawang PDEA agent ang nasawi sa barilan na naganap sa labas ng Ever Commonwealth Avenue sa Quezon City. Ang sinasabing nakasagupa ng mga pulis, mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinabing nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga pulis na miyembro ng QCPD-District Special Operations Unit (DSOU) sa labas ng isang fast food sa lugar.
Hindi pa malinaw kung papaano nasangkot sa engkuwentro ang mga tauhan ng PDEA pero kabilang sa mga nasugatan at dinala sa ospital ang team leader ng DSOU.
Una rito, pansamantalang natigil ang daloy ng trapiko sa naturang bahagi ng Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi dahil sa nangyaring barilan.
Naglabas naman ng pahayag ang pamunuan ng Ever Commonwealth at kinumpirma nila ang barilan na naganap umano sa labas ng mall.
“We have secured all access to the mall so all shoppers are safe inside. Our priority right now is to ensure the safety of the employees and the public,” ayon sa pahayag.
“The management is closely coordinating with the PNP of the current situation. Please bear with us as we allow the authorities to handle the situation. For now, we hope for everyone’s cooperation to exercise caution in sharing unconfirmed information online. Thank you,” patuloy nito. (Daris Jose)
-
Senado, sinimulan na ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund
SINIMULAN na ng Senado ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bills ngayong araw. Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong lumikha ng pondo, ay tinalakay ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies. Kabilang sa mga pinagmumulan ng seed money para sa […]
-
Pedicab driver buking sa shabu
Kulong ang isang 42-anyos na pedicab driver matapos mabisto ang dala nitong shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil walang suot na face mask sa Navotas City. Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Arnold Barrios alya “Anot” , 42 ng Kadamay St., […]
-
AIR POLLUTION
MISTULANG COVID-19 ang air pollution sa bansa sapagkat 27,000 katao ang pinapatay bawat taon, sa pag-aaral ng Greenpeace Southeast Asia at ng Center for Research on Energy and Clean Air, ang usok mula sa mga sasakyan gamit ang gasolina at krudo at maging ang mga sinusunog na coal ay nagiging sanhi ng kamatayan ng mga […]