NBI, kumbinsidong walang nangyaring hacking sa datos ng Comelec para sa 2022 polls
- Published on January 17, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA ng site inspection ang ilang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Rosa, Laguna.
Ito ay matapos na makatanggap sila ng mga ulat na may nangyari umanong hacking sa data ng Comelec para sa papalapit na May 2022 elections.
Sinabi ni officer-in-charge Eric Distor na kumbinsido sila na walang nangyaring hacking sa lugar matapos silang magsagawa ng configuration at testing dito.
Samantala, sa hiwalay na pahayag naman ay sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevara na kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan sa Comelec at nagsasagawa ng imbestigasyon ang NBI cybercrime division at special project team ukol dito at may ilang mga dokumento na rin ang itinurn-over sa bureau upang isailalim sa validation at authentication.
Binigyang diin naman ni Comelec Commisioner Marlon Casquejo na stand alone ang kanilang sistema at hindi ito connected sa internet o sa kahit na anong network.
Magugunita na kamaikailan lang ay pinabulaanan ng Comelec ang iniulat ng Manila Bulletin na may nakapasok umano na mga hacker sa mga server poll ng komisyon upang magnakaw ng mga sensitibong impormasyon na may kaugnayan sa 2022 polls. (Gene Adsuara)
-
Indemnification bill, inaasahang titintahan ni PDu30 – Sec. Roque
INAASAHAN na mapipirmahan na anumang oras ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Memorandum Order kung saan 50% limit on advanced payment sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid -19 ay papayagan na. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil sa MO na ito ay makakabayad na aniya ng advanced payment ang […]
-
Triggerman, Flying A sali sa Wish Olympics
ANGKLADO nina Allan ‘Triggerman’ Caidic at Johnny ‘Flying A’ Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum Quezon City bukas, Linggo, Pebrero 23. Ang isang araw na okasyon ay para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero at inorganisa ng UNTV sa […]
-
PBBM, ipinag-utos na pag-aralang mabuti ang pagsama ng TVET sa SHS curriculum
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang integrasyon o pagsama ng technical and vocational education and training (TVET) sa curriculum ng senior high school (SHS). Ang direktiba ay ibinigay ng Pangulo sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, layon na matiyak na ang mga SHS graduates ay “ready and employable for the […]