NCR, inilagay sa ilalim ng Alert Level 3
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN nang Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na ilagay ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 3 simula Oktubre 16, 2021 hanggang Oktubre 31, 2021.
Inaprubahan naman ng IATF na ilagay ang Apayao, Kalinga, Batanes, Bulacan, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna, at Naga City para sa Luzon; at Zamboanga City at Zamboanga del Norte para sa Mindanao sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ang mga nasa ilalim naman ng General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ay Abra, Baguio City, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, at Batangas para sa Luzon; Bacolod City, Capiz, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, at Bohol para sa Visayas; at Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro, Butuan City, at Surigao del Sur para sa Mindanao.
Inaprubahan din ng IATF na ilagay sa ilalim ng GCQ ang Ilocos Norte, Dagupan City, Ifugao, Benguet, Tarlac, Lucena City, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Albay, and Camarines Norte para sa Luzon; Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Iloilo City, Iloilo Province, Cebu City, Cebu Province, Mandaue City, Siquijor, at Tacloban City para sa Visayas; at Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Iligan City, Davao City, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Cotabato City, at Lanao del Sur para sa Mindanao.
Ang lahat ng lugar na hindi nabanggit ay inilagay naman sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ang pinakabagong risk-level classification ay epektibo simula Oktubre 16, 2021 hanggan Oktubre 31, 2021 (Daris Jose).
-
MGA PASAWAY SA HEALTH AT SAFETY PROTOCOLS SA BI, MAY KAPARUSAHAN
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na paparusahan ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila na sumusuway sa health at safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ay matapos na nakatanggap siya ng mga ulat […]
-
Pinoy athletes na kalahok sa 2021 SEA Games, hindi pa kasali sa priority list ng COVID-19 vaccination – Galvez
Tatalakayin pa umano ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung maaaring isama sa priority list ng mga mabibigyan ng bakuna laban COVID-19 ang mga atleta at coach na kalahok sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games (SEAG). Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer […]
-
Obispo, dismayado sa profiling ng otoridad sa nagtatag ng community pantries
Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa isinagawang profiling ng mga otoridad sa mga nagtatag ng community pantries. Ayon kay Bishop Pabillo ipinakikita ng pamahalaan ang kawalang pagmamalasakit sa mamamayan dahil hinahadlangan ang pamamaraan ng mga tao na matulungan ang bawat isa. Ayon sa Obispo, dapat suportahan […]