• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR , mananatili sa Alert Level 2 status

MANANATILI sa Alert Level 2 classification ang National Capital Region mula Pebrero 16 hanggang 28, 2022.

 

 

Inilagay naman ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Lunes, Pebrero 14, 2022, ang mga sumusunod na lugar sa ilalim ng  Alert Level 3 mula  Pebrero 16 hanggang  28, 2022: Iloilo City, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Zamboanga City sa Region IX; Davao de Oro at Davao Occidental sa Region XI; at South Cotabato sa Region XII.

 

 

Ang iba pang lugar sa bansa na Inilagay sa ilalim ng  Alert Level 2 mula Pebrero 16 hanggang  28, 2022 sa Luzon ay:

* Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga at  Mountain Province sa Cordillera Administrative Region;

* Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region I;

* Batanes, City of Santiago, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa Region II;

* Bulacan, Angeles City, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales sa Region III;

* Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Lucena City at  Quezon Province sa Region IV-A;

* Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Puerto Princesa City at Romblon sa Region IV-B;

* Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Naga City at Sorsogon sa Region V.

Sa  Visayas, Inilagay din sa ilalim ng Alert Level 2 mula Pebrero 16 hanggang February 28, 2022 ay ang

* Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz at Negros Occidental sa Region VI;

* Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor sa Region VII; at

* Ormoc City, Tacloban City, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, Biliran at Southern Leyte sa Region VIII.

Habang sa  Mindanao, ang mga sumusunod na lugar na Inilagay din sa Alert Level 2 mula Pebrero 16  hanggang katapusan ng Pebrero  2022:

* City of Isabela, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region IX;

* Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental sa Region X;

* Davao City, Davao del Sur, Davao del Norte at  Davao Oriental sa Region XI;

* General Santos City, North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region XII;

* Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Butuan City at Dinagat Islands sa Region XIII (CARAGA); at

* Basilan, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Cotabato City at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

 

Sa ilalim ng quarantine classification na ito, may maximum 70% indoor venue capacity at mas mataas na porsyento naman sa outdoor venue capacity sa mga pinahihintulutang activities at business establishment.

 

 

Para naman kay Trade Sec. Ramon Lopez, halos sapat naman sa ngayon ang alert level 2, dahil may restrictions pa rin kahit bumababa na ang kaso ng hawaan.

 

 

Ayon kay Lopez, bagama’t 70 percent lang ang indoor capacity, nabibigyan pa naman ng dagdag na 10 percent ang may safety seal markings hanggang 80% kung bakunado ang mga tauhan ng isang gusali. (Daris Jose)

Other News
  • COMELEC OFFICE SARADO DAHIL SA COVID

    SIMULA  noong March 11 ay pansamantalang isinara ang main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila dahil sa mga nagpositibong mga kawani nito sa COVID-19.   Bukod sa main office, sarado rin ang opisana ng Regional Election Director of National Capital Region (NCR), Region IV-A at Region IV-B hanggang Marso 24, 2021.   […]

  • PM Kishida nag-host ng banquet para kay PBBM, ASEAN leaders

    IN-ENJOY mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng iba pang Southeast Asian leaders ang Japanese hospitality nang handugan ni Prime Minister Fumio Kishida  ang mga ito at kani-kanilang mga asawa ng banquet sa Asakasa Palace sa Tokyo, Biyernes ng gabi, Disyembre 16.     Si Kishida at kanyang asawa na si  Kishida Yuko, ay […]

  • 1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko

    SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.   Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.   Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo […]