• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NDRRMC naghahanda na para sa Bagyong Siony

NAGHAHANDA na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa Bagyong Siony sa kabila ng nagpapatuloy na disaster response sa Bagyong Rolly.

 

Kahapon pinulong ng council ang mga Regional DRRMCs para talakayin ang on-going preparation sa Severe Tropical Storm “Siony.”

 

Base sa latest weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), as of 4:00 AM ngayong araw ang sentro ni Siony ay namataan 595 km East sa Basco, Batanes na may maximum sustained winds na 95 km/ h at may gustiness na 115 km/h.

 

Inaasahang maging typhoon si Siony na may peak intensity of 120 km/h bukas ng umaga November 6, 2020 habang binabaybay nito ang Batanes-Babuyan Islands area.

 

Kabilang sa tinalakay sa pulong kahapon ay ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na highly susceptibility sa storm surge, floods at landslides; dissemination of warnings sa mga lugar na maaapektuhan; prepositioning of food, non-food items at mga gamot sa ibat ibang strategic locations, activation ng medical teams mula sa DOH para sa posibleng deployment.

 

Naglabas din ang NDRRMC ng direktiba sa mga RDRRMC member agencies at LDRRMCs para itigil muna ang mining activities, tourism activities, at quarrying.

 

Iniulat naman ng Cordillera RDRRMC, na nagsagawa na sila ng pre-emptive evacuation sa mga flood and landslide prone areas sa Probinsiya ng Apayao, Kalinga, at Benguet.

 

Samantala, nagpulong din kahapon sa NDRRMC na pinangunahan ni DSWD Asec Encabo.

 

Dumalo din sa nasabing pulong ang UN Humanitarian Country Team kung saan pinag-usapan ang paghahanda sa pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) mission sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Supertyphoon Rolly.

Other News
  • May mga panibagong cases pa na nai-file sa kanya: MAGGIE, tuloy ang laban kahit apektado na ang mental at emotional na kalagayan

    NAPAPA-‘SANA ALL’ at “goals” ang mga comment ng netizens bukod sa sagad ang kilig, lalo na ng mga fans ng mga Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa halos ipagsigawan na ka-sweetan ni Dingdong sa kanyang misis.     Daig pa ni Marian ang debutante sa nakaraang birthday celebration, […]

  • Multi-Specialty Hospital, itatayo sa Clark, Pampanga

    SISIMULAN na  ngayong buwan ang pagtatayo ng bagong medical specialty center na magsisilbi sa Central at Northern Luzon.     Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na handa na ang groundbreaking para sa itatayong Clark Multi-Specialty Hospital sa darating na Hulyo 17.     Ang nasabing ospital ay itatayo sa ilalim ng Executive Order No. […]

  • KRIS, binuweltahan ang basher na tinawag siyang ‘pangit’ kapag walang makeup pero ‘di nanglait

    BINUWELTAHAN ni Queen of All Media Sinagot Kris Aquino ang isang netizen na tinawag siyang pangit kapag walang makeup na napansin sa ibinahaging video sa social media accounts kung saan gumagawa siya ng mga flower arrangements.     Caption ni Kris sa video, “Kamusta ang Monday nyo? Because I believe ini-effort ang ang maging happy. […]