• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NDRRMC nakaalerto na kay Betty

HANDA  na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa kanilang emergency preparedness and response (EPR) protocols at preparation para sa pananalasa ng bagyong Betty.

 

 

Ayon kay Civil Defense Administrator and NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensiya para masiguro na nakahanda na ang lahat mula sa national hanggang local level.

 

 

“We have already identified and activated appro­priate emergency preparedness and response protocols in different regions to be affected by the weather disturbance,” pahayag pa ni Nepomuceno.

 

 

Ang EPR protocols ay mga hakbang na dapat gawin ng mga concerned government agencies at local government units bago manalasa ang bagyo at habang ginagawa ang response operations.

 

 

Sinabi pa ng NDRRMC na sa kabuuan may 1,679 teams mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG) ang naka-standby para sa posibleng search, rescue, at retrieval operations.

 

 

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA may 12 na lugar sa bansa ang isinailalim sa Signal No.1 habang papalapit ang bagyong Betty sa mga lalawigan sa Luzon.

Other News
  • Hindi cha-cha ang sagot sa pandemya at magbabangon sa sadsad na ekonomiya

    Ito ang pahayag ni  Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat kasunod nang pagpasa ng House Committee on Constitutional Amendments ang Resolution of Both Houses no. 2 na nagsusulong sa economic Charter Change o Cha-Cha ng 1987 Constitution.     “Isang dumadagundong na pagkundena sa pagmamadali at pagratsda nang walang pakundangan sa panukalang Cha-Cha ng Kongreso.  Ito ay […]

  • US mas maraming isasabak na babaeng atleta sa Tokyo Olympics

    Mas marami pa ring mga atletang babae ang isasabak ng US sa Tokyo Olympics.     Sa kabuuang 613 na atleta ay mayroong 329 na babae dito.     Ang nasabing bilang na 613 ang siyang pangalawang pinakamalaki sa kasaysayan ng US Olympics na sumunod noong taong 1996 na mayroong 648 na atleta silang ipinadala. […]

  • Panukala na magsususpendi sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS aprubado sa komite

    Inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang mga panukala na naglalayong suspindihin ang pagtataas ng kabayaran sa kontribusyon ng Social Security System (SSS) ngayong 2021.     Ito ang House Bills 8317, 8304, 8313, 8315, at 8422 na pag-iisahin sa isang binuong technical working group (TWG) sa natrurang pagdinig.     Binigyang […]