• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Negosyante, 3 pa, timbog sa P 180K marijuana

ARESTADO ang apat kabilang ang isang negosyante matapos makuhanan ng nasa P180K halaga ng marijuana nang inguso sa mga pulis ng concerned citizen ang kanilang iligal na gawain sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ng bagong hepe ng Caloocan City Police na si P/Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na si Paul Andrew Decena, 30, negosyante, ng Orchid St., Natividad Subd., Phase 2, Brgy. 168 Deparo, Wifredo Verzosa, 29, ng Bagumbong, Brgy. 171, John Erick Pedelino, 27, ng 2031 Elias St., Brgy 352, Zone 32, Sta. Cruz, Manila, at Abegail Torres, 22, Orchid St., Natividad Subd,, Phase 2, Brgy 168, Deparo.

 

Sa report ni P/Col. Menor kay Northern Police District (NPD) PBGEN Ronaldo Ylagan, alas-7 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP)-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Harold Aaron Melgar mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na transaksyon ng iligal na droga sa Lot 0033, Blk 4, Orchid St., Natividad Subd., Phase 2, Brgy. 168, Deparo, ng lungsod.

 

Kaagad namang nirespondehan ng mga tauhan ng PCP-6 ang naturang lugar kung saan naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na naging dahilan upang pagdadamputin ang mga ito.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 1.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang P180,000 ang halaga, isang timbangan, at ilang drug paraphernalia.

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators

    TARGET  ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.     Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na […]

  • Japan, inanunsyo ang bagong P275-M funding para sa WPS agenda sa BARMM

    POPONDOHAN ng Japanese government ang JPY724-million (P275 million) project na makatutulong sa pangangailangang pangkalusugan ng mga kababaihan at gender-based violence sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).     Sa paglagda sa ‘exchange of notes’ sa proyekto, sinabi ni Japanese Ambassador Endo Kazuya, nagbigay ng hudyat sa inisyatibang patuloy na pagsuporta ng Tokyo sa […]

  • BAGONG BI CHIEF, NANGAKO NG MGA BAGONG REPORMA SA AHENSIYA

    IKINAGALAK ng Bureau of Immigration (BI) si Atty Joel Anthony M. Viado bilang bagong Commissioner.     Italaga si Viado bilang officer-in-charge noong nakaraang buwan kung saan dati siyang Deputy Commissioner simula pa noong April 2023 kasama sina Deputy Commissioners Daniel Laogan at Aldwin Alegre.     Bilang Abogado, na may sapat na kaalaman sa […]