• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Net income ng PhilHealth papalo sa P61 bilyon

 

TINIYAK ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na hindi nakakaapekto sa benepisyo ng mga miyembro kahit gamitin pa ng gobyerno sa excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhiHealth) dahil papalo sa P61-B ang net income ng ahensiya ngayong taon.

 

 

 

Sinabi ni Recto na naaayon sa medical principle na “first do no harm” ang paggamit ng natutulog na pondo at hindi makakaapekto sa benepisyo ng mga miyembro.

 

 

“Yung benefit packages sa mga miyembro ng PhilHealth, daragdagan sa taon na ito ng mahigit 30%. Tapos ang malulubhang sakit katulad ng breast cancer, binibigay ngayon 100,000 pesos, gagawing 1.4 million. At marami pang iba,” paliwanag ni Recto.

 

 

“Madaragdagan ang benepisyo ng PhilHealth, at kahit daragdagan ‘to, malaki pa ang kita ng PhilHealth, at ‘yung kinuha lang natin dito ay ‘di galing sa contrbutions ng members; ito ay galing sa subsidiya ng gobyerno,” dagdag ni Recto.

 

 

Sa katunayan aniya ay magbibigay ang gobyerno sa susunod na taon ng P70 bilyon sa PhilHealth at sapat ito para madagdagan ang benepisyo.

 

 

Ipinaliwanag ni Recto sa pagsisimula ng panayam na mahigit kalahating trilyong piso ang nasa kaban ng ahensya, sapat na para mabayaran ang dalawa hanggang tatlong taon nitong gastusin.

 

 

Ibinunyag din ni Recto na ang P20 bilyong sobrang pondo ng PhilHealth na unang inilipat ay ginamit para masakop ang mga health emergency allowance ng mga health worker at frontliners.

Other News
  • Amsali, bagong pangil ng Red Lions

    MABANGIS pa rin ang San Beda University Red Lions sa parating na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament 2020 dahil may mga bagong dating pero astig na tatlong manlalaro.   Sinigurado ng SBU na sasalang pa rin sa kanila bilang ang mga bagito pero may potensiyal na sina Rhayyan Amsali, big […]

  • Sa sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards: DINGDONG, inisa-isa ang mga aktor na naparangalan sa ibang bansa

    NAG-POST ng kanyang pagkilala ang Kapuso Primetime King at President ng samahan ng mga AKTOR.   Ang posibleng naging dahilan ng Instagram post na ito ni Dingdong Dantes ay ang halos sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards ng mga Pinoy actors.   Sa Instagram post ni Dingdong, inisa-isa niya ang mga actor na napaparangalan […]

  • Crime rate sa NCR, bahagyang tumaas kasunod ng alert level 1 implementation

    BAHAGYANG tumaas ang crime rate sa National Capital Region (NCR).     Hindi naman itinatanggi ng National Capital Region police office (NCRPO) na bahagyang tumaas ang crime incident sa Metro Manila simula nang ipatupad ang Alert Level 1.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NCRPO PLT Col. Jenny Tecson, na kalimitan sa […]