• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Netizens, amazed na amazed dahil kopyang-kopya talaga: CATRIONA, personal na in-unveil ang kanyang wax figure sa Madame Tussauds Singapore

PERSONAL na in-unveil ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang first ever wax figure sa Madame Tussauds Singapore.

 

 

Ibinahagi nga ng Pinay beauty queen ang couple of photos with her wax figure, na kung saan makikitang suot ang kanyang signature Mayon Volcano-inspired gown at ang ‘Alab at Dangal’ ear cuff.

 

 

Caption niya sa IG post, “Who’s that girl.  “What a surreal moment to (FINALLY!) launch my very own wax figure at @mtssingapore after 3 years! Kiliiiig akoooo!

 

“I’m so honored and flattered to be the only Filipino wax figure here in MT Singapore!”

 

 

Sabi pa ni Queen Cat, “Also for those that are curious! @maktumang created an ah-mazing replica lava gown! The small differences on the neck line are to hide the “seams” where the head of the wax figure fit onto the body! The lava gowns mesh base presented a challenge but Mak masterfully worked around these!”

 

 

Dagdag pa niya, “We chose the “final walk” look from @missuniverse sans MU sash and crown, because the interactive concept is to “LavaWalk” with me.  Also as the only Filipino in MT Singapore, it brings me so much pride to have the PHILIPPINES sash front and center.”

 

 

Nagpasalamat din siya sa kanyang ‘glam team’ na binubuo nina @jellyeugenio @hairbybrentsales @justine.aliman19 @styledbypatrickhenry.

 

 

Proud na proud din siya sa stunning creation ni @jaggyglarino.

 

 

Say pa ni Catriona, “Feeling strong in this beautiful creation by @jaggyglarino. This metal assemblage dress is inspired by an exhibition entitled Philippine Gold: Treasures of Forgotten Kingdoms which featured priceless golden artifacts found in Agusan, Philippines.

 

 

“Intricate gold accessories, figurines and other items are very telling of the sophisticated cultural core and the rich pre colonial history of the Philippines.”

 

 

Isa sa nga unang nag-congratulate kay Catriona si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, ang first Filipina na nagkaroon ng wax figure, na naka-exhibit naman sa Madame Tussauds Hong Kong.

 

 

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa IG post ni Cat, dahil kuhang-kuha talaga ang bawat detalye:

 

 

“Gosh pati gilagid kuhang kuha. Haha.” “Wax figure nga teh, gagayahin talaga lahat ng features.”

 

 

“Am amazed kuhang-kuha even the details ng gown! At the same time it gives me the creeps na grabe ang pagka kopya! Lol! Kulang nalang gumalaw at mag-usap sila, yikes!”

 

 

“The real Catriona was prettier! Anyway, I’m proud to be a Filipino! Congrats Catriona.”

 

 

“DASURV!!!”

 

 

“Akala ko yung nasa right yung wax figure.”

 

 

“Omg parang gagalaw any monument hahaha pero ang galing kuhang kuha pati tuhod.”                                                    “Sana nagsuot din ng lava gown si Catriona. Gandaaa!”

 

 

“Sa totoo lang nakakaumay na ang lava gown nya that’s so 2018 pa. Gamit na gamit na! Pero maganda naman talaga ang gown.”

 

 

“Inent, they have to replicate or use the lava gown to commemorate her winning the Miss universe title. Iconic siya too.”

 

 

“Ang galing ng mga ganitong artists no. Yun nga lang magdrawing ng kamukha ng subject ang hirap na. Tapos iyan wax figure pa. Ang galing.”

 

 

“Ok naman kaya lang dapat mejo lagyan lang ng konting laman yung cheeks perfect na.”

 

 

“Madame Tussauds madalas miss. Pero eto, hit toh. Kuhang kuha lalo na ‘yung ilong.”

 

 

“Ang ganda ng pagkakagawa ha, infurnez!”

 

 

“Nakaka amaze talaga yang mga wax figure. I’ve been to one in bangkok. Para mo na rin talaga nakita in person yung may wax figure. Pati texture ng skin and all parang totoong tao haha. Kaya yung ganitong photos na side by side malilito ka talaga haha.”

 

 

“WOW!!! Sa sobrang ethereal ng ganda ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, pati eto wax figure nya nakakahalina ng maraming fans. May taste talaga ang Madame Tussauds Singapore at alam nila kung sino ang gagawan nila ng wax figure!”

 

 

“Congratulations, Cat! Keep up with your charitable advocacies!”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DINGDONG, personal na naranasan ang hirap ng isang delivery rider; MARIAN, muling ipinasilip ang ‘bikini body’

    PERSONAL na naranasan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang matinding hirap na pinagdaraanan ng isang delivery rider.     Noong Valentine’s Day, isa nga si Dingdong sa nag-deliver sa natanggap na orders sa kanilang delivery app business na DingDong na ni-launch last year at may masuwerteng nakatanggap din ng regalo mula sa Dunkin’ Donuts […]

  • 8 TIMBOG SA DRUG BUY-BUST SA LOOB NG HOTEL

    WALONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 18-anyos na dalaga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa loob ng isang hotel sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Reselino Acaso, 50, Fredie Merin, 39, Cecilia […]

  • Huling post nang hamunin si Sen. Bato Dela Rosa: GRETCHEN, baka may pinagdaraanan kaya nag-deactivate ng IG account

    KUNG hindi kami nagkakamali, ang huling Instagram post ni Gretchen Barreto ay nang hamunin nito si Senator Bato dela Rosa.     Hinamon ni Gretchen si Bato na sabihin lang daw nito kung saan at kailan at dadalhin niya ang ebidensiya na ito ay totoo namang tumataya sa online o e-sabong.     ‘Yun nga […]