• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Netizens lumuwa ang mga mata sa suot na luxury jewelry brand ni MARIAN na ini-endorse ni SONG HYE KYO

PURING-PURI ng netizens ang ginawang effort ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na mabigyan ng memorable, intimate and very elegant birthday party ang asawa na si Marian Rivera na nag-celebrate ng 37th birthday noong August 12 kahit ECQ na naman.

 

 

Ang bongga naman talaga nang pina-set-up ni Dingdong ang bahay nila na fit na fit sa nananatiling GMA Kapuso Primetime Queen, na makikita sa kanilang IG posts.

 

 

Sa IG post ni Marian labis-labis nga ang kanyang pasasalamat, “Thankful for 37 years of life.  I am filled with gratitude for all of you and for all the blessings.”

 

 

Kaya naman, ang daming napapa-sana all at naiinggit kay Marian sa pagkakaroon ng isang Dingdong Dantes, na mapagmahal, sweet at sobrang maalaga, hindi lang sa kanya pati sa mga anak na sina Zia at Sixto.

 

 

Say nga ng netizens, “Swerte ni Yan talaga..truly blessed sa buhay…di lang sa endorsement kundi sa pagtulong rin sa nangangailangan..may gwapong asawa at magagandang mga anak.”

 

 

“Sana all talaga! Well sa tagal naman nilang nagtatrabaho they earned that money. Kaya afford nila to have that set-up, photog services, and to get glammed up like that para sa birthday shoot nya. And to think for the gram ito. Part of the bigger picture pa rin syempre to maintain the image and A-list status kahit sa social media.

 

 

“Happiness vividly shows in Marian’s face and aura. You can’t fake it.”

 

 

“Buti pa itong mag-asawa, happy lang. Walang problema sa buhay.”

 

 

Kitang-kita nga sa aura ni Marian ang labis na kaligayahan at hindi yun maitatago sa photos na kinunan sa kanyang intimate birthday party.

 

 

Pero ang ikinaloka ng netizens at ikinaluwa ng kanilang mga mata, ay ang suot-suot niyang luxury jewelry brand from Paris na Chaumet Josephine Aigrette set (watch, rings & earrings) na ini-endorse ng sikat na Korean actress na si Song Hye Kyo para Asia-Pacific na kilala sa pinagbidahang Kdramas na Autumn in My Heart (2000), All In (2003), Full House (2004), That Winter, the Wind Blows (2013), Descendants of the Sun (2016) at Encounter (2018) na ni-remake nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga na kasalukuyan pang napapanood sa TV5, Cignal TV at Vivamax.

 

 

Nag-search kami sa chaumet.com para tingnan ang mga nakalululang pieces of jewelry ni Marian.

 

 

At dahil born in August ang host ng Tadhana, nag-assume kami na ang first ring niya, ayon sa description ay Joséphine Aigrette pavé diamond ring in 18-carat white gold, set with a heart-shaped peridot of 0.80 carat.

 

 

Yung pangalawa na diamond ring na may 18-carat white gold, set with Akoya cultured pearls and brilliant-cut diamonds at katerno nito napakagandang diamond earrings na higit sa kalahating milyon ang halaga na bagay na bagay sa beauty ni Marian.

 

 

Gandang-ganda rin kami sa suot naman niyang Josephine Aigrette timepiece.  Ang luxury diamond watch in pear-shape with white strap na part pa rin ng collection ng Chaumet, na ayon sa pricelist ay naglalaro rin higit sa kalahating milyon ang halaga.

 

 

Kaya pag pinagsama-sama ang naturang set of jewelry, ilang milyon kaya ang aabutin nito?

 

 

Anyway, sa rami nga ng endorsements ni Marian na patuloy siyang nire-renew kahit panahon ng pandemya at sa kanyang business, kayang-kaya talaga niyang bumili ng ganitong kamahal na alahas, na sinasabing napakagandang investment at magiging pamana sa kanyang anak na si Zia pag nagdalaga na ito.

 

 

Samantala, patuloy na napapanood sina Dingdong at Marian sa rerun ng Endless Love sa GMA Telebabad, na kahit ilang taon na ang lumipas ay marami pa rin ang tumututok sa kahihinatnan ng lovestory nina Johnny at Jenny.

 

 

Every Saturday afternoon naman ang Tadhana ni Marian at Sunday night naman ang top-rating na Amazing Earth na three years nang hino-host ni Dingdong.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PAMAHALAAN, BABAYARAN ANG KALAHATI NG UTANG NG PHILHEALTH SA PRC

    BABAYARAN ng pamahalaan ang kalahati ng P930.9- milyong utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).   Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na mangyayari ito sa lalong madaling panahon.   Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na babayaran nito ang P930.9 milyong utang ng PhilHealth sa PRC matapos […]

  • DISTRIBUTION OF SHALLOW TUBE WELLS AND MINI FOUR-WHEEL TRACTOR

    Bulacan Gov. Daniel R. Fernando (far left) awards the Certificate of Grant to Marites Victoria (center), president of Samahang Magsasaka ng Barangay Barangka, Baliwag, Bulacan, for one unit of mini four-wheel tractor in line with the Provincial Government of Bulacan’s Farm Machinery and Equipment Assistance Program held at the Hiyas ng Bulacan Convention Center, City […]

  • Dalang shabu ng kargador, buking

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ung isang kargador matapos mabisto ang shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Navotas City.   Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/ Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Roger Virgo alyas “Long hair”, 49 ng […]