• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

New Zealand pinakain ng alikabok ang India

MADALING  iniligpit ng New Zealand ang India, 95-60, para walisin ang labanan sa Group A sa first window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Ipinoste ng mga Kiwis ang 3-0 record matapos talunin ang Gilas Pilipinas, 88-63, noong Linggo habang una nilang pinadapa ang India, 101-46, noong Huwebes.

 

 

Isinara ng Nationals ni coach Chot Reyes ang kanilang kampanya bitbit ang 1-1 baraha.

 

 

Bumandera para sa Tall Blacks si  Tom Vodanovic na may 20 points, 10 rebounds at 4 assists at nag-ambag sina Rob Loe, Dion Prewster at Taylor Britt ng 18, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nalasap naman ng India ang kanilang ikatlong sunod na kamalasan, kabilang ang 64-88 pagyukod sa Gilas noong Biyernes.

 

 

Sa first period lamang pumalag ang Indians nang makalapit sa 20-24 hanggang dominahin ng Kiwis ang second quarter sa itinayong 52-27abante.

 

 

Pinalobo pa ito ng New Zealand sa 66-37 mula sa three-pointer ni Vodanovic sa huling 2:19 minuto ng third canto.

 

 

Mula rito ay hindi na nakabangon ang mga Indians.

 

 

Bumandera para sa India sina Arvind Kumar Muthu Krishnan at Pranav Prince sa kanilang tig-10 points.

 

 

Nagdomina ang mas malalaki at mas malalakas na Kiwis sa rebounding department, 48-29.

Other News
  • “Dredging, pansamantala ngunit epektibong solusyon sa pagbaha” – Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS- Bagaman batid niya na hindi permanenteng solusyon ang paghuhukay ng mga ilog sa pagbaha sa lalawigan, sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na mahalagang sangkap ito sa pagpigil ng malawakang pagbaha sa Bulacan.     “Paglalagay talaga ng dike ang permanenteng solusyon sa pagbaha. Pero pansamantala, habang hindi pa ito nasisimulan, ito […]

  • 4 TIMBOG SA DRUG BUY BUST SA CALOOCAN, VALENZUELA

    APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang online seller ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular […]

  • Cayetano ‘totoong resigned na’ bilang House speaker matapos mahalal si Velasco

    PORMAL nang napalitan bilang speaker ng Kamara de Representantes si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Martes, matapos ang matagal- tagal na agwan sa pwesto bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.   Nangyari ito matapos tuluyang ratipikahan ng 186 miyembro ng House ang kanyang pamumuno, dahilan para matuloy ang “term-sharing” agreement […]