Newsome lider na sa Bolts
- Published on March 2, 2021
- by @peoplesbalita
MAY panibagong responsibilidad na papasanin si Christopher Elijah ‘Chris’ Newsome dahi sal pagkaawala ni teammate Baser Amer para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 na sisiklab sa Abril 9.
Ito ang pinabalikat ni Norman Black para sa versatile player na magiging point guard mula sa pagiging shooting guard/forward ng Meralco.
“I think Newsome can be a good point guard since we always get the ball in his hands, plus he’s our leader in assist last conference,” bulalas kahapon ng Bolts coach.
Ang 30-year-old, 6-foot-2 Fil-Am dribbler ang No. 1 scorer din ng team sa average na 14.45 points at 4.36 assists sa 45th PBA PH Cup sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre.
Aminado si Black na mahirap na desisyon ang pakawalan si Baser Amer na kasama ni Bryan Faundo na pinagpalit kay Rey Mark ‘Mac’ Belo sa Blackwater Bossing kamakailan.
Si Amer na starting point guard ng team sapul noong 2017-20 nang magretiro si Jimmy Alapag may apat na taon na ang nakararaan.
“We’ve been together for five years and we’ve made a good run together so it’s really an emotional moment for me trading him,” hirit ni Black. “On the other hand, we want to upgrade our front court and unload extra players in the backcourt because we have a lot of point guards in the team.”
Ang pinangalanang Outstanding Rookie ng bubble tournament na si Aaron Black, si Anjo Caram at si Nards Pinto ang bubuong back court ng Meralco.
Pinanapos ng mentor na aasa siya pagbabago ni Newsome upang maging isang combo guard, katulad ng papel ni Daniel Gabriel ‘Gabe’ Norwood sa Rain or Shine. (REC)
-
Ipinaglalaban pero nauwi rin sa hiwalayan: KYLIE, nasasaktan ‘pag napag-uusapan ang dalawang anak nila ni ALJUR
KASWAL lamang magkuwento si Kapuso Action star Ruru Madrid tungkol sa relasyon nila ng girlfriend na si Bianca Umali. Limang taon na rin sila as boyfriend and girlfriend kaya marami na rin silang pinagdaanan at nalampasan sa kanilang relasyon. Ayon kay Ruru, noong nagsisimula pa lamang sila ni Bianca, may pagka-introvert […]
-
Ads May 31, 2024
-
‘3-way race’ sa presidency, malabo na – analyst
HINDI NA umano posibleng mangyari na magkaroon ng tatlong nangungunang maglalaban sa “presidential race” may dalawang linggo bago ang halalan, ayon sa analyst na si Dindo Manhit ng Stratbase ADR Institute research firm. Sinabi ni Manhit na nakitaan ng pagbaba ng kanilang numero ang ibang mga kandidato mula noon pang Pebrero kaya hindi […]