NHA, sisimulan nang ipatayo ang Progreso Village sa Valenzuela para sa benepisyaryo
- Published on November 1, 2024
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang groundbreaking para sa ipapatayong Progreso Village sa Barangay Marulas, Lungsod ng Valenzuela, nitong Oktubre 29, 2024.
Ang bagong proyektong pabahay na ito ay isang medium-rise building na bubuuin ng siyam na gusali na may 11 palapag bawat isa, ito ang magiging bagong komunidad ng 1,530 kwalipikadong benepisyaryo kapag natapos. Magkakaroon din ng commercial space ang mga ground floor ng bawat gusali.
Kasama sa mga pasilidad ng housing site ang mga parking space, mga ilaw sa kalye, sewage treatment plant, guard house, konkretong bakod, at central park.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni GM Tai na ang proyektong ito ay isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbibigay ng abot-kayang pabahay sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan, isa sa mga pangunahing programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Gaya ng pangalan nito, makakaasa kayo na ang Progreso Village ay maituturing na progresibo, sinisiguro po namin na ang bawat proyektong pabahay ng NHA ay matibay, ligtas, komportable at may kasamang iba’t ibang pasilidad,” saad ni GM Tai, kung saan binigyang-diin din niya ang pangako ng NHA sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga benepisyaryo nito.
Kasama ni GM Tai sa seremonya sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Garry de Guzman, na kumatawan kay Secretary Jose Rizalino Acuzar; Valenzuela City Mayor Weslie Gatchalian; Vice Mayor Lorena Natividad Borja at NHA North Sector Office. (PAUL JOHN REYES)
-
Kamara tutulong sa giyera ni PBBM laban sa smuggling, hoarding ng agri products
TUTULONG ang Kamara sa giyera ni Pangulong Marcos laban sa smuggling at hoarding ng bigas at iba pang produktong agrikultural. Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos. “We share the President’s anger and frustration with smuggling, […]
-
5 arestado sa shabu sa Caloocan
Limang katao kabilang ang tatlong bebot ang arestado matapos makuhanan ng illegal na droga ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Sa ulat, dakong 10:15 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality Oplan Galugad ang mga pulis sa kahabaan ng P. Burgos St. Brgy. 15 nang mapansin nila […]
-
PBBM tiniyak ipagpatuloy ang pagbuo ng mga ‘highly interconnected road network
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpapatuloy ng kaniyang administrasyon na bumuo ng mga highly interconnected road network na layong magpapadali sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Pinatitiyak din ng Pangulo sa Department of Transportation (DOTr) na tiyaking matapos ang mga proyekto sa itinakdang panahon ng sa gayon mapakinabangan ito ng publiko. “So we […]