• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NLEX connector nagtaas ng toll

NAGTAAS ng toll fee ang NLEX Connector matapos payagan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang petisyon sa pangungolekta ng updated toll rates sa nasabing elevated expressway.

 

 

Sa ilalim ng updated toll matrix, ang motorista na gagamit ng Class 1 na sasakyan o ang mga regular na sasakyan kasama ang SUVs ay magbabayad ng P119 mula sa dating toll na P86.

 

 

Ang Class 2 o ang buses at small trucks kasama ang Class 3 na sasakyan o ang large trucks ay kailangan magbayad ng P299 at P418 flat rates, respectively sa mga sumusunod na klaseng sasakyan mula sa dating rates na P215 at P302.

 

 

“The toll adjustment is part of the program to collect the opening toll for the NLEX Connector on a staggered basis to cushion the impact to expressway users,” wika ng NLEX.

 

 

Noong 2023 ipanatupad ang initial rates, matapos ang apat na buwan ng pagbubukas ng Caloocan-Espana Section noong March.

 

 

Sa pagbubukas ng Section mula Espana hanggang Magsaysay Boulevard noong October 2023, sinabi ng kumpanya na ang NLEX Connector ay nanatili sa dating discounted rate kung saan ang mga motorista ay nagkaroon ng mahabang panahon sa loob ng isang taon na walang toll adjustment.

 

 

“Full rates will be implemented once NLEX Connector Project is completed. The connector has significantly improved the travel experience of motorists heading to Manila from the north and vice versa by reducing travel between C3 in Caloocan and Magsaysay Boulevard in Manila to just seven minutes,” saad ng NLEX.

 

 

Ayon sa kumpanya, ang NLEX Connector ay siyang kauna-unahang expressway sa Philippines na gumagwa ng barrierless system at gumagamit ng 100 porsientong RFID upang magkaron ng mas mabilis na transaksyon sa mga toll plazas. LASACMAR

Other News
  • Dagdag na P1K social pension sa mahihirap na seniors, may pondo

    TINIYAK ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na may pondo para sa P1,000 social pension ng may apat na milyong mahihirap na senior citizens sa bansa.     Ito ay batay na rin sa kumpirmasyon sa kanila ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian na nagsabing ang karagdagan P25.6 bilyon na kakailanganin para sa […]

  • SHARON at KIKO, muntik nang ‘di umabot sa 25 years pero nangibabaw ang pagmamahalan

    PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang video clip sa kanyang YouTube channel noong February 14 na kung saan game na game sila ni Sen. Kiko Pangilinan sa isang challenge nilagyan ng title na ‘Valentine’s Day Game with our children’     Caption ni Mega sa kanyang post, “So Kakie, Miel & Miguel came up with […]

  • Valientes tututukan ang programa sa grassroots

    ITUTUTOK nina Zamboanga Valientes co-owners Mike Venezuela at Junnie Navarro ang kanilang programa sa grassroots development ng kanilang probinsya para makadiskubre ng mga future basketball heroes.     Ang Zamboanga ang pinagmumulan ng mga future basketball stars sa mga nakalipas na taon kagaya nina grand slam champions Mark Barroca at Bai Cristobal, many-time titlist Sonny […]