• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NLEx Harbor Link Malabon exit, posibleng buksan sa Peb. 21- Villar

Nakikita ang posibilidad na buksan ang Malabon exit ng North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link C3-R10 section sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue sa Pebrero 21 matapos pabilisin ang konstruksyon nito, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.

 

Nagsagawa ng huling inspeksyon si Villar kasama ang mga opisyal ng NLEX Corp. sa C3 hanggang Dagat-Dagatan segment – kung saan magsisilbi itong alternate corridor para sa mga motoristang papunta sa port area mula NLEx.
“This inspection is in preparation for the opening of the C3 to Dagat-Dagatan portion, which is about 1.2 kilometers. We are making sure that all the safety features of the expressway are in place before we open it to the public,” ani Villar, at sinabing handa nang magamit sa Marso 2020 ang kabuuang 2.6 kilometro ng C3-R10 Section.

 

Magsisimula ang NLEx Harbor Link C3-R10 Section sa Caloocan Interchange, C3 Road, Caloocan City hanggang Radial Road 10, Navotas City, na kokonekta sa kakabukas lang na 5.65-kilometer NLEx Harbor Link Segment 10 na dadaan sa Karuhatan, Valenzuela City, Governor Pascual Avenue sa Malabon City at 5th Avenue/C3 Road, Caloocan City.

 

Inaasahan ang proyekto na magpapabawas sa oras ng biyahe mula Port Area hanggang NLEx sa loob lamang ng 10 minuto at magbibigay ng direct access para sa mga commercial vehicles, lalo na ang mga mabibigat na truck.

 

“We are anticipating that truckers and freight forwarders will greatly benefit from this new road since their cargo trucks will have 24/7 access, and in turn translate to faster delivery of goods to and from the provinces in North and Central Luzon,” pahayag naman ni NLEx Corp. chief operating officer Raul Ignacio.

 

Bahagi ng “Build Build Build” ng administrasyong Duterte ang programa. Nakikita naman ang NLEX Harbor Link upang mabawasan ang traffic congestion at maging daanan ng mga sasakyan na ginagamit sa hanap-buhay sa Harbor area at sa mga lugar sa Central at North Luzon.

 

Ito ay may intensyong i-advance ang transport logistics at magsisilbing alternative route para sa mga motorista, lalampas sa EDSA at sa iba pang mataong daan sa Maynila.

Other News
  • Tubig sa Angat ‘di sasadsad sa critical level -MWSS

    HINDI sasadsad sa critical level ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan.     Ito ang pampakalmang pahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa  publiko kaugnay ng antas sa krisis sa tubig.     Sinabi ni Engineer Patrick Dizon, Division Manager ng MWSS na batay sa pag-aaral na ginawa ng Inter-Agency […]

  • Alex, na-bash nang husto dahil sa ginawang ‘tiktok pandesal’; nag-react sina Mikee at Toni

    ANG daming namba–bash kay Alex Gonzaga dahil sa ‘tiktok pandesal’ niya.   Nandiyang comment ng mga netizens, “very consistent, baduy, annoying.”   “Hindi nga talaga maganda… 🙁 ako nahiya sa BF nya”   “Marami talaga siyang panget or off na ginagawa at sinasabi. Sana matuto si Alex na makinig sa feedback.”   Dagdag pa na […]

  • Salceda ‘di pabor na tuluyang ipagbawal ang POGO operations sa bansa, bilyong halaga ng tax mawawala

    MULING nanindigan si House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda ang pagtutol nito sa tuluyang pagbabawal ng operasyon ng POGO sa bansa.     Inihayag ni Salceda, batay sa datos aabot sa P8 Billion na halaga ng buwis ang posibleng mawala sa Pilipinas sa sandaling tuluyan ng ipagbawal ang POGO.   […]